20 Các câu trả lời
Sa akin, sa panganay ko ointment pinagamit sakin. Hindi ako pinagamit ng betadine para wala daw scar. And true naman, malinis tyan ko after gumaling. Sa bunso ko, betadine. Magkaiba kasi OB ko sa kanila since parehas ng ospital. Suplada kasi OB ko sa panganay kaya nagpalit ako ob sa bunso. So yun nga, betadine. Hubby ko naglilinis ng sugat ko. Binubuhos nya then nililinis ng bulak lalo pag may langib langib na (bilin ni dra yun) okay naman scar ko. 4months pp.
pisilin mo bago mo linisin kasi kailangn mo macheck kung my nana buhusan mo alcohol at betadine. yan dati ung pag linis ko pero tong last cs ko my pang 1 week na guaze na nilalagay jan kahit maligo ka hindi nababasa taz follow up chck up ko aa ob ko after 1 week sya na nagpapalit nun taz babalik ka ulit tatangglin na nia
Bumili ka ng alcohol na hindi mahapdi para mabilis matuyo sugat mo. May kamahalan pero mas madali at mabilis maghilom sugat mo. Ako nag betadine lang ako hindi masyadong gumaling sa betadine kahit binubuhos ko na.
Betadine lang po ang pinanglinis sa sugat ko, tapos ttakpan ng gauze pad. Then after 2weeks sabi ng ob ko, wag na daw lagyan ng gauze pad, pahiran nalang dw ng betadine
dahan dahang dampi ng betadine mommy wag mo agad babasain ng tubig..pde mo linisin ung paligid ng alcohol.tpos tatakpan ng gasa.
cutaseph lang ginagamit ko pang linis ng sugat ko.. effective naman madaling nag hilom.. pero nilalagyan ko pa din ng gasa..
Ako po moms betadine dampi dampi tapos lagyan na ng gasa at takpan. Pero madali po kasi nag heal amg sugat ko..
Cutasept spray. Malinis gamitin compared sa betadine at super effective. Tried and tested na. Twice cs here
70% isoprophyl alcohol lng spray everyday..
Betadine lang po tas gauze pad
Maemae