Preggy

pano nyo sinabi sa mga parents nyo na buntis kayo? share naman kayo experience mga sis

64 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Depende kung minor ka at naka asa kapa sa parents mo, mahirap talaga sabihin. Sakin kasi, married na kami ni hubby bago pa ako mabuntis kaya madali nalang sakin nung sabihin sakanila. After ko nag-take ng PT, sinabi ko agad yung result since pinabili na ako niyan dahil delayed na ang period ko. Surprisingly, they were so happy.❤️

Đọc thêm

in my case po, nahahalata nlng nila kesa sakin na di ko pa din alam na preggy ako. may times kc na sobra ko sungitan asawa ko pati konting salita na di ko gusto marinig nagsusungit agad ako kaya sila una nakaalam na preggy ako kesa sakin na kaka pt ko lng sila alam na agad nila with my bestfriend din na nasusungitan ko before. 😂

Đọc thêm

Hindi ko sinabi agad natakot ako eh, ilan months pa lang kasi yun after ko grumaduate ng college. Si Mother na mismo nagtanong sa akin kasi hindi nya daw ako nakikita nagkaka mens. hehe 😄 Grave sermon inabot ko hindi ako makapagsalita kaya tinawagan nya dyowa ko sya kinausap hahaha.. Anyway Happy Mother's po sa atin lahat 😍

Đọc thêm

Me..Tumawag lng sa phone kc nsa probinsya cla then sinabi ko muna na 2mos delay ako then directly cnabi ko na buntis na pla ako while crying pa kc dko alam ung magiging reaksyon nila kc ako nalang ung inaasahan nila ..but Thank God natanggap naman nila kc nasa tamang edad nman na kmi i was 27 and my hubby was 30.. 😊😇

Đọc thêm

sakin...nahalata n lng ng mama ko ung tyan ko 5months na nka fitted akong blouse nun mg a attend ng bnyag payat at wala kc tlga akong tyan nun nung pg uwi ko knusap ako ng mama at tatay ko nag sabi n ako ng 22o.first apo dn nila kaya cnuportahan nila ako.😊

magkasama naming sinabi sa both parents namin..pero since parehas naman na nasa right age na kami kahit hindi pa kasal eh natanggap nila agad..saka bago ako nagbuntis nagsabi naman na ako sa family ko na mag aasawa na ako nauna nga lang ang baby😁

inabot namin ng boyfriend ko sa mama ko yung ultrasound. tapos yun abot abot na sermon naabot ko though graduate naman na ako pero masyado pa daw maaga. tapos nung kami na lang dalawa ni mama sa bahay, grabe ang galit at iyak.

sa mama ko, sinabi ko lang hndi naman sya nagalit. unlike sa mother in law ko, hndi nmin alam kung paano ssbhin hahaha. pakeme pa nung una, tapos sya na mismo nagsabi na buntis ka nu. kaya ayun umamin na kami. hahah

sakin kase nakita sa kilos ko hilo suka at lageng antok then di naman nagalit parents ko kase nga 29 na ko nabuntis nagpapasalamat nga sila at nabuntis ako and nanormal delivery ko kase marami akong complication ..

yung ako, tumawag lang ako sa mama ko.at sinabi ko na buntis ako walang pag aalinlangan 🤣, hindi ko na naisip ano kaya reaction ni mama, basta alam ko lang nun gustong gusto ko na e share sa kanya na buntis ako 😅

4y trước

sana all hahhaa ako kase nahihiya na natatakot