H E L P

Pano ko ba mapapaamin yung asawa ko na talaga naman na nag yoyosi sya hindi ko lang talaga ma tyempuhan na ma huli ulit on the spot. ilang bwan palang simula nung nag move in ako dito sa bahay nya kaya dko alam kung sobrang heavy smoker nya ba. pero dati nahuhuli ko na sya ngayon naman kasi sabe nya matagal nya ng tinigil pero paminsan minsan naamoy ko parin sya sobrang nakakainis lang kasi twing naamoy or ioopen ko sknya yung about sa pag yoyosi nya todo deny sya and all na may kausap lang daw sya na nag yoyosi etc. etc na kung ano ano pang rason nya totoo ba yun? na kausap mo lang yung tao pero yung amoy ng hininga at kamay nya amoy yosi sobrang nakakainis lang tlaga dahil alam nya naman na ayaw na ayaw ko sa amoy non parang feeling ko nag mumuka akong tanga na ko wala akong kaalam alam sa totoong bisyo nya knowing na mag asawa na kami. deny sya ng deny parati twing inoopen ko at the end ako pa mali at nagiging masama nag aaway lang kami na kesyo bintang lang ako ng bintang and all sobrang nakaka stress lang kung kelan malapit na lumabas yung baby namin tska pa sya nag gaganyan kinakausap ko sya parati ng maayos na sabihin nya nalang yung totoo kung nag yoyosi parin ba sya pero ayaw nya parin umamin at mag sabi sobrang nakakainis lang at nakaka stress. hayyy pano ba to :( :( :( ????

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hindi po ba kayo pwede mag stay muna sa inyo? O sa magulang mo? Uso po ngayon ang ipinapanganak ng may sakit o dipirensya ang baby dahil sa second hand smoke Sana pag isipan nyo pp mabuti

delikado kasi talaga ang yosi. mas maige sis isama mo din sya sa check up mo then ipaexplain mo sa ob mo ang risk ng pagyoyosi sa buntis at baby.para mas maintindihan nya.

Yung partner ko pag nasa kanila lang sya nagyoyosi pero pag uuwi sya samin wala dapat ako makitang yosi at di dapat sya amoy yosi rule ko yun pag uuwian nya ako.

Masama po kay baby ang usok ng yosi Kahit nasa tyan palang po ay maapektuhan na sya neto Iwasan nyo po muna partner nyo at baka magkasakit pa baby nyo

Ang chemical ng yosi ay malakas kumapit sa hininga, katawan at damit ng smoker Kaya hindi kayo safe ni baby pag may kasama kayong smoker

I think nagyoyosi talaga ang partner mo at di sya naamin dahil wala syang balak magbago

Thành viên VIP

reverse psychology is the key