ako ang laging mali 😭

Palabas ng sama ng loob mga mi.. masama ba magsabi ng nararamdaman sa asawa? sa mga nakikita ko na msg ng kawork nya sknya.. pinagsasabihan ko lang naman na wag maxado komportable sa mga kawork na babae pero ending ako pa masama. na puro daw ako duda. ang hirap, bawal ba ako magsabi.. mali ba un? ako ba may problema? haaays.. nakaka-stress, nakaka-depress kasi pakiramdam ko sa iba nya nakikita ung wala sakin, di maganda, makinis, maputi at lalong di sexy 😭😭😭 nakakabaliw mga mi, ang dami kong bakit. kaso kada nalang kami magdidiskusyon, ako mali. na puro nga daw ako duda.. haays, hirap. ano ba dapat kong gawin.. nananahinik na nga lang ako kaso gang kelan... #advicepls

13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mi ganyan din ako nakaraan sa asawa ko napaisip pa nga ko kase biglang nag OT ang gago though tatlo sila sa branch kaya napaisip ako mabuti . nako mi inaway away ko pero tahimik lang sya . nag paalam na nga na mag reresign na para wala na daw kami pag awayan hahaha sabi pa yung pag OT ko sa atin naman nappunta . di mo ba naisip na simula nag ka anak tayo sobrang loyal ko sayo . hahaha nyay d effective mi hanggang ngayon pag nakakapartner nya ung babae niloloko ko sya . tapos tawag ko sa babae eh bebe nya hahaha wag ka mi pa stress sya stressin mo hahha

Đọc thêm
10mo trước

ay mi kung ako tatanungin mo hindi hahaha tumunog palang cp nun naka dungaw na ko . pero alam ko kase mi my mga asawa na ayaw chinecheck cp nila feeling nila wala kang tiwala sakanila. check mo mi sa asawa mo kung ok lang naman skanya go lang .

That is emotional cheating sis. Sabihin mo sa kanya anu kaya kung siya nasa katayuan mo ano mararamdaman nya kung siya makabasa ng messages na gnyan coming from your workmates din na opposite sex? Tell him how you feel at sabihin mo di ka comfortable sa ganyan, kung mahal ka niya di sya gagawa ng dahilan para maging insecure ka. Magpaganda ka sis, improve yourself para sa iyo hindi para sa kanya para ma gain mo confidence mo.

Đọc thêm
10mo trước

totoo sis, i'm trying to lose weight nga.. pero not for him kundi para sakin. kasi nakakainsecure ginagawa nya e.. salamat sis, sending virtual huggs

Miii hndi masama magcheck ng phone ng asawa. Wala prob kung mga ktrabaho chat ng chat nilalandi sya, magimbal ka kung nirereplyan ng asawa mo. Tapos pag paalalahanan mo, sya pang galit at binabalik sayo. Na parang kasalanan mo pa na gusto mong protektahan ang pamilya nyo. Bawal martir miii. Gawin mo ang tama. May K ka kase asawa ka. At kung mahal ka talaga ni mister, iiwas yan. Di nya ssirain pamilya nyo.

Đọc thêm
10mo trước

salamat mi.. alam mo ung pakiramdam na sinukuan mo na sya, bahala na sya kung gagawa sya ng mali.. ako e, gusto ko na muna ng peace of mind, yoko na muna magisip.. kakapagod din.

For me lang mi hnd naman masama mag basa ng mga text no pero you are invading his privacy po. Hnd dahil mag asawa na po kayo eh ibig sabihin pwede mo na invade ang privacy nya. Ikaw mommy ang nag decide po na basahin ang messages nya. Kung nananahimik ka wala kayong pag aawayan. Nag babasa ka ba ng message dahil nag dududa ka? Gumagawa ka po ng pag aawayan nyo.

Đọc thêm
10mo trước

nag kakitaan na nga Ng private part tas Hindi pwede mag kakitaan Ng message?? like wtf hahaha Kaya madami nakakalusot na kabit dahil sa invading privacy kuno na Yan . pag mag asawa na kayo Lahat need nyo ishare kahit nga payslip nya gusto mo tignan dba?

hndi mali yung ginagawa mo mii kung alam mong may past sya na di maganda malamang ginagawa mo lng yan para proprotektahan mo yang pamilya mo. go lang mii, kung saan ka dalhin ng instinct mo.. tungkol naman sa itsura mo,,be yourself lang, kung ano alam mong ikagaganda mo at ikabbalik ng confi mo, go!! wag mag hesitate be strong mami para sa mga junakis natin 😘

Đọc thêm
10mo trước

salamat mi... sending virtual hugggs 🧡

hanap ka libangan mo mii. ganyan tayong buntis moody. kami naghiwalay ng partner ko hindi nia maintindihan pagbubuntis ko. nasa barko pa siya. so ayon. para sa bata na lang kami nag uusap. hindi na din kami magiging okay. hadlang na nanay niya kaya pakatatag ka. hanap ka libangan. paglabas bb mo. magbbago din lahat.😊

Đọc thêm

nako mi kung mahilig pa din mag chat ng ibang babae asawa mo red flag yan lalo kung me history na ng cheating.. kung na gagalit sya pag sinasabihan mo, malamang guilty yan,. hate ko mga ganyang lalake sorry mii✌️ pero kung ako yan nasa katayuan mo iwanan ko yan, kung ayaw mag bago, kesa naman maging sakit ng ulo

Đọc thêm

Ganyan din ang asawa ko masyadong komprtable sa mga babae niyang kawork at minsan napagawayan namin yun kays ang ginawa ko never ko na hinawakan ang phone niya mas pinili ko yung peace of mind ko kasi kung magloloko siya samin e bahala na siya sa buhay niya iiwan na namin siya ng anak ko.

10mo trước

totoo sis, i'm trying din na gawin yan.. wag na nga mangialam sknya para wala ako iniisip. bahala na sya kung magloko sya, basta sakin ang anak ko. sending virtual huggss sis

that is micro cheating and emotional cheating. super sakit nyan kung ako makakaranas nyan di ko kakayanin hihiwalayan ko nalang kung ganyan lang din naman utak ng asawa ko

Thành viên VIP

hi mi I got you I have that se situation so I explain to him na kung wala tlga eh di wala Pero ilugar nman or respeto oh ending sya ang kumsyo sa friends nya