Palabas naman po ng sama ng loob mga momsh 😢 7 months na tiyan ko and wala pang kahit anong gamit si baby ko. Naiiyak na lang ako kasi ang laki ng perang dumating sa lip ko pero wala man lang siyang naitabi para sa panganganak or kahit sa gamit man lang ni baby. Ngayong ubos na pera niya umaasa na naman ulit sa magulang. Ayoko na din siyang pagsabihan kasi hindi siya marunong makinig. Kahit man lang sana yung pambili niya ng yosi inipon na lang niya para atleast man lang e may mabili na kami gamit ni baby kahit pakonti konti lang. Kaso wala talaga. Parang wala siyang tainga, wala siyang naririnig. Sinabihan ko siyang "naiinis ako sayo kasi di mo man lang iniisip gamit ni baby" ayun walang imik lang. Pinipigilan ko na lang umiyak kasi wala din naman siyang gagawin kahit umiyak ako. Ayoko na magpakasal sa kanya. Wala siyang tiyaga sa trabaho. Hindi rin marunong magsumikap. Iniisip ko din pag nakaraos na kami ni baby babalik ako sa trabaho ko para mabigay ko pangangailan ng anak ko. Di katulad niya na "mas mahalaga ang piso para sa yosi".
Anonymous