Stressed si Buntis

Palabas naman ng sama ng loob mga mamsh. Di ko na keri. Nasstress ako habang papalapit yung panganganak ko. Currently 36 weeks and 6 days preggy ako with our baby boy and until now mukhang walang balak si partner na magtabi man lang para sa panganganak ko. May pera naman ako, pero nakakainis lang kasing makita na sobrang iresponsable nya pagdating sa pagbubuntis ko. Halos every week eh umiinom sya at kagabi lang nag-usap kame at sabi nya, nangutang daw sya sa company nila kasi ipapaayos nya yung motor nya?! Naloka ako. Yun talaga inuna nya?! Ang hilig hilig din nya magpabili sakin ng kung anu-ano, recently lang 2 shirts worth 600 pesos each. Both working po kame at nakuha ko na yung SSS matben ko worth 70k pero dahil madami kaming loans 15k nalang ang natitira ngayon. Akala ko once mas tumaas sahod nya eh mamomotivate syang mag ipon at tumulong sakin pero pakiramdam ko pasan ko lahat. Yung mga loans namin hindi ako ang gumamit ng pera kaso sakin nakapangalan kase mas madali ako maapprove ng banks. Sa umpisa sasabihin nya sya magbabayad tapos pag nanjan na yung bayaran eh sasabihin nya wala na syang pera. Ilang beses na namin napag awayan yung pera, gang ngayon parang di sya natututo. Nasaktan din ako sa tono ng pananalita nya na parang gusto nya magbalik trabaho agad ako after kong manganak. Need help mga mamsh! Pano nyo hinahandle yung ganitong partner? Pag nag aaway kame lagisyang naghahanap ng comfort sa ibang babae. Di ko na alam pano ibibring up yung ganito sakanya kase nauuwi lagi sa away at feeling nya eh minamaliit ko sya.

46 Các câu trả lời

Kung kaya mo naman buhayin mag isa si baby sis tingin ko much better kung hiwalayan mo nalang sya. Ang lagay kasi eh, pati asawa mo pinapasan mo pa. Kaya nga partners kayo kasi magtutulungan kayo, hindi yung pati sya magiging pabigat sayo. Nambababae pa pala. 🤦‍♀️ stress lang abot mo dyan

sis ginagawa kang bangko ng asawa mo. mahirap man pero kung kaya mo naman buhayin baby mo iwan mo na yan kasi wala syang silbi buhay binata pa din ang gusto 😔 tapos nambababae pa grabe kakapalan hays. wag ka mastress sis masama sa buntis yan, laban lang kaya nyo yan ni baby mo❤

Sobra naman.po yong partner mo mamsh wag ka nalang po paka stress dlikado po.yan uwi kana lang po sa Family mo.mas magiging ok kapa don..buti nalang po d gaya ng partner nyo ang Partner ko.po malayo pa ang due ko.pero iniisip na nya yong pag iipon para sa aming dalawa.ng baby namin

Mukang ang ending ikaw pa ang bubuhay sainyo mag ina pati sa asawa mo sis.. sayo pinaako ung dapat responsibilidad nya. Tanungin mo sya kung ano ba talaga balak nya.. kung di mo nagustuhan ung sagot nya ibig sabihin walang patutunguhan ang buhay nyo sa ama ng anak mo

kahit ano mangyare mag tira ka para sa inyo ng anak mo. partner plng naman yan mas mahirap pag kasal na kayo tapos ganyan kalbaryo maranasan mo.hayaan mo sya sa luho nya pera na gamitin nya ah. punta ka muna sa nanay mo para mawala man lang stress mo.

Kausapin mo ng masinsinan after mo manganak kung di umayos hiwalayan mo na. Pagkatao na niya yan malamang hindi na magbabago yan unless talaga mahal niya kayong mag-ina niya. Ganyan din ang kapatid ko mas worse pa nga ayun wala tumatagal na babae.

Napapagid na nga din po ako maghintay kung kelan sya magbabago. 3rd baby na namin, and finally baby boy na (first 2 namin ay girls). Sana this time magbago na sya para naman sa mga anak namin. Nagpromise sya na hindi na sya magbibisyo. Sana tuparin nya.

Naku nkakabwisit ang ganyan kc napagdaananq din yung gayang klase ng lalaki, npakairrisponsable, ung akin malala kc walang trabaho panay gastos pa.. buti na lng hiwalay na kami.. ndi qna natiis yung pagkairrisponsable nya..

Buti ka pa mamsh. 3rd baby na namin pero walang pagbabago sa ugali nya. Akala ko after namin maghiwalay ng 4years eh magbabago na sya kaso wala parin. Sa umpisa lang sya okay, habang tumagal eh balik sa dati. Masyado talaga syang palaasa. Nakakalungkot. Nagpromise sya sakin na magbabago na dae sya kase baby boy na yung 3rd baby namin. Sana naman totoo na.

Ilang taon na momsh? Bkit ang immature pa rin? Dun ka na lng muna kaya sa parents mo? Hayaan mo muna sya mag isa para makapagisip-isip sya. Kse masama mastress sa buntis. Nararamdaman din kse yan ni baby eh...

im 28 and he's 30 po. nasa parents ko po kame nakatira pero nakabukod po kame ng pinto (apartment style). Naging ganyan po sya nung lumipat sya ng work at tumaas ng sweldo. Pag may problema din kame, mas pinipili nyang hindi pag usapan kaya nahihirapan narin ako. This June lang naghiwalay kame pero ininsist ng parents ko na hwag kame maghiwalay 😔😔😔.

Decide for you and your child dahil base sa sinabi mo iresponsable yang partner mo. Ang dating imbis na gumaang yung pagbubuntis mo kasi nandyan sya lalo lang syang naging burden sainyo ng baby mo.

try mo sya kausapin ng masinsinan,ipaintindi mo sa knya lhat ng mali na dpat itama. if wa effect paden! then, You must decide for the future of both You and your Child. Keep strong sis! godbless!

Lagi ko naman po sya pinagsasabihan, kaso ang dating sakanya eh nagmamagaling ako. 😭😭😭. Pakiramdam nya pag pinupuna ko yung mga mali nya eh minamaliit ko sya. hay..

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan