Palabas lng po ng sama ng loob. Ngbakasyon kami sa nanay ko at bilang muslim ang anak ko at ngconvert ako, di ko siya pinapatikim ng baboy khit sabaw lng. Ang nanay ko pinilit pakainin ang 6 months ko na baby ng sabaw ng nilagang baboy. Nasakit sa loob ko kasi kahit sinabi ko na ayaw ko at di pwede pinilit pa rin nya. At parang naiinis pa siya na ayaw ko pakainin ang anak ko ng baboy kesyo maling paniniwala naman daw yan at iba pang salita na medyo sensitibo sa pandinig. Mali po ba yung narramdaman ko na sana ako pa rin ang masunod bilang nanay ng bata sa gusto at ayaw ko ipakain? Salamat po.
Anonymous