Please bear with me...

Palabas lang po ng sama ng loob. 🙃 Wala lang po talaga akong mapagsabihan. Yung asawa ko hindi pinapansin mga sinasabi ko sa kanya. Nakapisan lang kami sa papa nya. Kasi wala syang trabaho gawa pandemic. Tapos nagme maintenance pa sya, plus may baby kaming 1y/o. Ang bigat sa pakiramdam na naghihintay ka lang kung kailan maglalakas ng loob ang asawa mo na magsabi sa biyenan ko ng pambili ng diaper ng bata. Napakasakit sakin na kailangan kong tipirin ang anak ko dahil marami ring gastusin papa nya na nagme maintenance din dahil stroke. Yung vitamins nya tinigil ko na. Ang tubig nya sa gripo na lang. Pasensya na po kung feeling nyo oa ako, hindi ko din kasi makausap asawa ko tungkol sa ganitong bagay. Lagi ko sya sinasabihan pero nagmumukha lang akong pera sa pangingin nya. 🙃 Kung may magbabantay lang talaga sa anak ko matagal na sana akong nag apply ng trabaho 😔

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

hello mommy .. kamusta kna? mahirap mag comment sa nagging pamumuhay nyo ngayon pero sure ako na naiintindihan kita bilang isang magulang. since wala kang choice sa ngayon base sa post mo, sana kahit ganun ang nararansan ni baby mo iassure mo parin na hindi sya nagkukulang ng sustansya sa katawan and malinis ang knyang paligid at mga bagay na gamit nya. if nahinto na ang vitamins nya bawiin nyo nalang rin po siguro sa mga kinakain nya. and sa tubig nya for sure pinapakuluan nyo naman po ito .. and sana mommy kayo rin kahit paano naaalagaan nyo prin ang sarili nyo and ang dinadala nyo. magdadasal lang po kayo palagi and magtitiwala. God will provide basta tutulungan mo rin ang sarili mo ..

Đọc thêm