Abdominal Cramps
Hi I'm just 7 weeks pregnant, and may abdominal cramps po ako almost period like na nag lalast for about a minute or 2 tas kakalma pero feeling ko po anytime sasakit siya. tas masakit din po ang lower back. I saw my doctor and normal naman daw po as long as walang visible bleeding/spotting. di niya po ako pinag bed rest pero I'm not comfortable pumasok sa work, natatakot po kasi ako. In your experience normal lang po ba yun?

Be noted, magkakaiba po ang katawan natin. dipo porke walang prob sa iba ay wala din sayo. actually, any pain or cramping sa ganyan stage ay dipo normal. normal po ay sa ika 5th week which is ung kung kelan inaasahan mo dpat ung next period mo. hindi papo nag eexpand ang uterus sa mga unang weeks kasi maliit pa naman sya. madami pong pwedeng dahilan ng pag sakit ng puson. pwedeng napapagod ka, pwede din may UTI ka since sumasakit din ang likod mo. di kba binigyan ng request ng ob mo ng urinalysis? if hindi mag walk in kna lang sa kahit saan clinic, para atleast macheck mo. prone kasi tayo sa UTI . Last january, i had a miscarriage. kala ko normal na may pasumpong sumpong na sakit ng puson na tumutugon sa likod ko kasi sabi nga ng iba normal. ala din nabanggit ob ko na any bad signs un since wala dn spotting. so hinayaan ko lang, kala ko normal e. till dumating ung nasa 8weeks ata ako, nag spotting na. then wala na nagawa kahit anong gamot. nagtuloy tuloy sa bleeding sa mga sumunod na araw and upon tvs wala na. hanggang sa nailabas ko sya kusa bago pa ko raspahin. buong buo ko nailabas un sac, walang butas nasa loob pa sya. now buntis ulit ako. naranasan ko ulit sakitan ng puson kaya sobrang natatakot ako , sobrang praning ko. 7 weeks-9weeks ko sakit din puson ko at likod kaya 3x a day din pampakapit ko non, then naisip ko lang pa urinalysis kasi nga pati balakang ko masakit. ayun di nako nagulat may UTI ako. kahit diko pa checkup bumalik ako sa ob ko para maagapan UTI ko. nakapag antibiotic ako 1 week kaya after non nawala na din pananakit ng puson ko. WHAT IM TRYING TO SAY PO, WAG KA MANINIWALA LANG SA IBA PAG SINABI NILANG OK LANG NORMAL LANG. KASI AT THE END OF THE DAY KATAWAN MO YAN, ALAM MOPO KUNG MAY IBA NA BA O NORMAL PABA SA PAKIRAMDAM. mas ok po maging paranoid muna sa kakapacheckup para masure ligtas si baby. Goodluck. Stay safe! Pray din palagi at kausapin si baby 😊
Đọc thêmi had mild cramping at 10 weeks, no spotting. akala ko ok lang pero i informed my OB. pina TVS niako. it was found out may myometrial contraction ako. its threatened miscarriage, as per OB. kaya ginawan niako ng med cert na not allowed to work ako for bedrest at niresetahan ng pampakapit until mawala ang cramping kahit pasumpong sumpong lang. it took 4 weeks bago tuluyang nawala. inalam pa ni OB ang travel at work set up ko before ako binigyan ng fit to work.
Đọc thêmohhh thank you po for this may schedule po ako TVS on Friday. Umiimon din po akong pampakapit and other vitamins . praying normal po ang lahat🙏🏻
Based sa experience ko, normal lang naman. Honestly at first ’kala ko mali lang yung result ng PT kase ramdam ko talaga na parang magkakaroon ako, yung mga symptoms is same na same bago ako magka period but it turns out na hindi mali yung result sa PT. Palagi n’yo nalang itaas yung paa n’yo pag nakahiga kayo. After ilang weeks mawawala rin yung gano’ng feeling, siguro pag 2nd trimester kana kase ibang pakiramdam naman yung mararamdaman mo😉
Đọc thêmThank you po, 💕paramg ganun din po ako. yan din po advice mg dad ko. gagawin ko po lagi mag taas nv paa.
Pinagtake ako ng ob ko ng pampakapit. Sabi nya pwedeng normal lang na magcramps kasi nagbburrow si baby sa uterus kaya nasakit pero para makasigurado pinainom ako ng pampakapit
Thank you po sa pag answer. Umiinom din po ako ng pampakapit and other vitamins for baby. Hopefully normal cramps lamh din po itong sakin. 🙏🏻
Yes po Normal. nag eexpand kasi ang uterus natin to make space for growing baby 😊
Thank you po. medyo napanatag po akong konti dito. since may mga mommies na nag share din po na nag eexpand nga daw po ang uterus.
Ganito din ako, upon check up mataas uti ko..
Thank you po. inorder din po ako Urinalysis ni doc. di ko pa nga lang po na papagawa. baka po bukas nalang since Friday pa naman po TVS ko and follow up check up kay Dra.
hi