Kuripot Na Soon To Be Hubby

Palabas lang po ng hinanaing ? Napapagod na din po kasi ako mag isip. I am on my 18th week of pregnancy and plan namen ng father ng baby ko na magpakasal. Kaso yun father nun baby ko, sobrang kuripot na feeling ko pati kame ni baby pinagkukuriputan nya. ? May time kasi na nagpalaboratory ako, lumipat ako ng OB kasi lagi pa rin po ko may konting spotting. Kahit na may healthcard ako, umabot un lab fees ng 3k kasi sa dami nun test na pinagawa sa akin. Ngayon, inabonohan ko muna pero sinabi ko sa kanya na hati na kame. Sinabihan nya ako na bakit ang mahal, sabi ko di kasi covered un iba ng healthcard. Tapos sinabihan na nya ko ng kung ano ano, na kesyo dapat kasi naghanap muna ako ng ibang laboratory, baka mas makamura or kaya dapat di na ko lumipat ng OB. ? Ang sama talaga ng loob ko kasi lahat ng check ups ko, libre naman. (Malaki kasi un coverage nun healthcard ko, almost 50k sa maternity). Di naman din sya pinabibili ko ng medicines ko. Actually, sya lang ang bahala sa gatas ko. Sa akin, okay lang. Kasi working pa rin naman ako at above average ang salary. Kaya ko lang naman sya siningil kasi para maramdaman naman nya un responsibilidad nya sa amin mag ina. Di ko akalain na ganun magiging reaction nya. Btw, nakatira kame ngayon sa bahay ko na kasama lang namen is un tita na nagpalaki sa akin. Wala talaga syang gaanong gastos sa amin bukod sa weekly nyang binibigay na 500 sa tita ko para sa food nya at minsan pagbili bili nya ng extra ulam pag weekends. Ako lahat gumagastos sa utilities namen kasama na internet pati un plan ko. Never ako nanghingi kasi di pa naman kasal kaso sa nangyayari ngayon, i doubt kung makakapanghingi pa ko ng wala syang kontra. ??? At ngayon naman, plan namen magpakasal. Pinaglilista ko sya ng guest nya, ayaw nya ilista kesyo 12 lang daw invited nya ?. Balak lang namen is 60 pax kasi fam ko un madami dito sa manila, sya kasi taga Aklan. Tapos ang binyag e sa kanila, salitan lang ba. Hindi na nga sya tumutulong sa akin magplano, pag may sinabi ako, lahat kontra. Kasi gusto ko man lang, bukod sa okay na food, meron souvenir un bisita so naghahanap ako photobooth at kahit decent pictures man lang so need ng photographer. Pero ayaw nya, parang gusto lang nya eat and run. Ginagawa ko na nga lahat ng paraan para makatipid, kinausap ko un kaofficemate ko na into photography, pumayag naman sya na picture-an kame. Un nakuha kong photobooth nasa 3500 na. 3 hrs na un. Tapos option ko is catering (nagoffer bestfriend ko na sa clubhouse na lang nila kasi mas mura dahil taga dun sya) or kaya mga resto like Max's kasi may wedding package sila na affordable naman na. Nakakastress lang kasi ang tanging gagawin na lang nya e pumayag, lagi pa syang nakakontra. Pero kaya nyang bumili ng ps4 nya or kaya mga cd sa ps4 nya ng isang bagsakan samantalang, para sa akin at kay baby, nagrereklamo sya. Nagiisip tuloy ako, itutuloy ko pa ba to kasi baka dumating ang araw na mawalan ako ng work e alilain nya ako at tipirin kame ng sobra. Haay ??

24 Các câu trả lời

VIP Member

Sis pagisipan mo mabute kung magpapakasal ka. Kung ngayon palang kasi iba na nafefeel mo sa kanya what more if magasawa na kayo. Wag ka magpakasal dahil nabuntis ka. Baka mas better kung pagisipan nio muna. Or kausapin mo siya ng masinsinan sa nafefeel mo.

naku sis ng iisip binata pa yan at hndi pa xa handang mging mbuting ama at asawa para sa inyo. kaya kng aq sau pag isipan m kng xa ba tlaga ang ppakasalan m. kc d kna mkkawala pag kasal na kau. mas mbuti cguro na wag muna at ituon m nlng lahat sa baby mo.

Think twice, trice or more monshie di basta basta yung pagpapakasal kung ngayon plang ganyan na pinapakita nyang attitude sau what more kung kasal na kau mahirap ang annulment dito sa phil. Focus ka muna sa baby mo ,, goodluck pray as always 😊

VIP Member

Naku sis pag-isipan mong mabuti..kung ngaun palang gnyan na cia how much more pag kasal n kau!.base sa kwento mo parang walang kainte-interes bf mo sa kasal niu..pag-isipan mo ng mabuti yan..mahirap na

Nakakatakot naman ung ganyang experience.. baka di pa masyadong clear sa kanya na mag aasawa na sya 😅 ask mo din sya sis kung handa na ba talaga sya at ano mga plans nya..😊

Sobrang daming red flags. Put the wedding plans on hold or better yet get out of the relationship. Mahirap po na ang cause ng problema nyo ay pera.

VIP Member

Do you think deserve mong matali sa ganyang lalake? Ilalagay mo lang yung sitwasyon mo sa mas mahirap pa. Mommy please know your worth.

Nako wag na! Ngayon palang na di kayo kasal ganyan na what else kung kasal na kayo diba?

Naku red flag yan. Wag na!

Isipin mong mabuti, parang di pa sya ready sa responsibilidad nia. Nauuna pa nia ibang bagay. Pag isipan mo po, mahirap pag kasal na tsaka aayaw.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan