Kuripot Na Soon To Be Hubby

Palabas lang po ng hinanaing ? Napapagod na din po kasi ako mag isip. I am on my 18th week of pregnancy and plan namen ng father ng baby ko na magpakasal. Kaso yun father nun baby ko, sobrang kuripot na feeling ko pati kame ni baby pinagkukuriputan nya. ? May time kasi na nagpalaboratory ako, lumipat ako ng OB kasi lagi pa rin po ko may konting spotting. Kahit na may healthcard ako, umabot un lab fees ng 3k kasi sa dami nun test na pinagawa sa akin. Ngayon, inabonohan ko muna pero sinabi ko sa kanya na hati na kame. Sinabihan nya ako na bakit ang mahal, sabi ko di kasi covered un iba ng healthcard. Tapos sinabihan na nya ko ng kung ano ano, na kesyo dapat kasi naghanap muna ako ng ibang laboratory, baka mas makamura or kaya dapat di na ko lumipat ng OB. ? Ang sama talaga ng loob ko kasi lahat ng check ups ko, libre naman. (Malaki kasi un coverage nun healthcard ko, almost 50k sa maternity). Di naman din sya pinabibili ko ng medicines ko. Actually, sya lang ang bahala sa gatas ko. Sa akin, okay lang. Kasi working pa rin naman ako at above average ang salary. Kaya ko lang naman sya siningil kasi para maramdaman naman nya un responsibilidad nya sa amin mag ina. Di ko akalain na ganun magiging reaction nya. Btw, nakatira kame ngayon sa bahay ko na kasama lang namen is un tita na nagpalaki sa akin. Wala talaga syang gaanong gastos sa amin bukod sa weekly nyang binibigay na 500 sa tita ko para sa food nya at minsan pagbili bili nya ng extra ulam pag weekends. Ako lahat gumagastos sa utilities namen kasama na internet pati un plan ko. Never ako nanghingi kasi di pa naman kasal kaso sa nangyayari ngayon, i doubt kung makakapanghingi pa ko ng wala syang kontra. ??? At ngayon naman, plan namen magpakasal. Pinaglilista ko sya ng guest nya, ayaw nya ilista kesyo 12 lang daw invited nya ?. Balak lang namen is 60 pax kasi fam ko un madami dito sa manila, sya kasi taga Aklan. Tapos ang binyag e sa kanila, salitan lang ba. Hindi na nga sya tumutulong sa akin magplano, pag may sinabi ako, lahat kontra. Kasi gusto ko man lang, bukod sa okay na food, meron souvenir un bisita so naghahanap ako photobooth at kahit decent pictures man lang so need ng photographer. Pero ayaw nya, parang gusto lang nya eat and run. Ginagawa ko na nga lahat ng paraan para makatipid, kinausap ko un kaofficemate ko na into photography, pumayag naman sya na picture-an kame. Un nakuha kong photobooth nasa 3500 na. 3 hrs na un. Tapos option ko is catering (nagoffer bestfriend ko na sa clubhouse na lang nila kasi mas mura dahil taga dun sya) or kaya mga resto like Max's kasi may wedding package sila na affordable naman na. Nakakastress lang kasi ang tanging gagawin na lang nya e pumayag, lagi pa syang nakakontra. Pero kaya nyang bumili ng ps4 nya or kaya mga cd sa ps4 nya ng isang bagsakan samantalang, para sa akin at kay baby, nagrereklamo sya. Nagiisip tuloy ako, itutuloy ko pa ba to kasi baka dumating ang araw na mawalan ako ng work e alilain nya ako at tipirin kame ng sobra. Haay ??

24 Các câu trả lời

VIP Member

Nasanay siguro na ikaw lage gumagastos. iobliga mo din sya. Sabihin mo half of responsibilities sknya. Di lage ikaw magsshoulder. Ipamuka mo na dalawa kayo dapat sa sitwasyon nyo, lalo magkakapamilya na kayo. Magiging dependent yan sayo financially, pagdumating yun araw na walang wala kana. Nganga! Dalawa dapat kayo magsosolve sa lahat, Hindi ikaw lang. May karapatan kang magsalita, deretsahin mo para matauhan. Wala ka mapapala kung palage syang ganyan. Wag mo itolerate. Kawawa kayo ng baby pag puro ganyan. Or better ituon mo nalang lahat ng attention mo at pera mo sa magiging anak mo. Tatay pa rin sya ng anak mo kahit di kayo muna magpakasal. Di mababago yun. Timbangin mo muna ang sitwasyon.

That is why I really do not go for marriage for the sake of baby. Yes, mahal niyo ang isat isa pero kung di pa kayo ready talaga or isa sainyo is di pa ready at nadadala lang sa situation na preggy ka, don't push the wedding. I always believe na ang dalawang tao dapat magpakasal dahil parehas na silang handa and willing and not for the baby but for the both of them. Exclusive sa couple ang decision. Kasi pag kinasal ka na wala ka ng kawala. It is a lifetime commitment so everything should be mutual or kung hindi, willing to meet halfway or compromise. Magkaiba kasi yung kasal na sa hindi pa. Magiiba talaga buhay.

Tingin ko naiisip nya kasi kaya mo mga gastusin ng ikaw lang, pero dapat alam din nya responsibility nya na magiging tatay na sya. Dapat hindi nya kayo tinitipid kung kaya nya gumastos sa luho nya 😊 Kaya tingin ko rin wag ka papayag na mag fulltime mom, dapat kumikita ka din tlga kasi baka mahirapan ka lalo kung ganyan sya. Dapat meron ka income na srili mo. Pero who knows magbago sya pag lumabas na baby nyo. Pray lang 😊

Sorry, momsh. Not being too nega dito pero mag-isip isip ka bago ka pakasal sa kanya. Mukhang wala syang plano. Magkakababy na kayo pero ganyan sya. Isipin mo, 500 per wk lang ang inaabot nya tapos yung sa checkups mo nagrereklamo pa sya? Anong klaseng partner yan? Hindi sya responsable dahil inuuna nya yung mga walang kwentang bagay. Mukhang ikaw ang bubuhay sa pamilya mo pag nagkataon. Hindi dapat ganun, tulungan dapat.

VIP Member

Mommy pagisipan mo pong maigi ang pagpapakasal kung ngayon pa nga lang di sya nagiging maayos sa inyo what more pa kung kasal na at nakatali ka na sa kanya. Hays hirap talaga ng ganyang sitwasyon, but its better kung wala munang kasal, sabihan mo sya ng mga problems na nakikita mo sa kanya at kung mareresolve ba nya yung attitude nya. Dapat yung isip nya ituon nya na sa pagiging tatay hindi na sya binata kamo.

naku mommy. red flag yan. wag ka na muna magpakasal. intayin mo na lang muna makalabas si baby, observe mo sya kung magbabago. mas mabagal talaga magmature mga lalake, pero dapat paglabas ni baby itake nya na ang responsibilidad. wag ka na muna magpakasal. after mo na lang manganak. ipon ipon ka na lang muna para in case ituloy nyo after birth, areglado na lahat.

Nako mamsh. Mag isip isip ka po muna, di naman minamadali ang pagppakasal, kung sa ganyan ka lang din mappunta siguro para sakin WAG MUNA, habang buhay mo na po yan makkasama ka e pero nasa sayo parin po decision. Baka kasi kayo lang ni baby ang mgging kawawa, lalo ikaw! Bawal ka mastress! pasarap buhay lang yang lalaki nayan. Nako ha gigil ako haha

Ang hirap ng ganian, siguro mas better na mas unahin mo o nyo nalang yung responsibility kay baby. pag alam mong ganian padin sya pag laki ni baby. Dun ka mag isip kung tama ba yung tao na pakikisamahan mo.. Masakit isipin, masakit tanggapin, pero kung talagang mahal ka nya.. Sya mismo magpaplano ng makakabuti sa inio.. Hmm godbless momshie!!

Pag isipan Mong Mabuti. OBSERVE MO SYA o kaya Verbalin mo sya f gusto Ba Talaga Nya Ng Kasal O Ano! Anung balak Nya Sa inyo ? Bata ka Pa Momsh Although Siguro kelangan mo yan sa Work Mo Or what Pero Isip Isip Pa Din Kasi mas Malaking responsibility ang Haharapin Mo Kapag andyan Na Si baby . GODBLESS U momsh ..

No, ngayon may kawala ka pa. Pero once kasal na kayo remember walang divorce sa pilipinas. Ngayon palang nasstress kna, lalo na pag magasawa na kayo. Lahat sayo responsibilidad na dapat sakanya. It's a big no. Hindi nakakalalake yung ganyang klase. Selfish sya. Wag na po kayo pakasal jan.

Câu hỏi phổ biến