Chính sách bảo mật Hướng dẫn cộng đồng Sơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Palabas lang ng thoughts 😅 Madami akong nakikitang mga expectant moms na nagtatanong if positive ba ang mga pregnancy test nila kahit one line lang ang nakikita nila Heres my take away sa pt One line = not pregnant 2 line = pregnant Faint line = not pregnant or pregnant Faint line = pedeng oo pedeng hindi buntis. Kung mababa ang hCG sa katawan mo kahit buntis ka eh magiging faint talaga ang kulay ng guhit jan. Isa sa mga ideas kung bakit faint line sya kung tingin mo buntis ka talaga is because its too early pa sa pregnancy. Kailangan ulitin mo ulit mag PT after 3 days at tignan kung nagiging mas darker ang line. Meron din mga cases na mababa talaga ang hCG sa katawan kaya hindi nagana anv PT. Suggestion na lang mga sis mag pa Blood test na lang kayo to determine ang level ng hCG nyo . Go to an OB gyne para sure na sure. Sana po kung one line lang talaga nakikita nyo wag na po kayo magsinungaling na positove for the sake ng nag tatanong. Mas masakit po umasa . PS: kasalanan to nong nakita kong picture one line lang talaga sya na kahit ezoom ko eh napakalabo talaga ng guhit at parang dumi lang sa screen ng cp tapos lahat ng comment positive daw. Aba naman napakagagaling naman talaga manghula kung ganon. Faint line is not positive or negative without further test. So wag kayong sumagot ng positive or negative 😤 advice them to try again. Un lang . Salamat sa time.
Tsaka try other pt brand. Parepareho ung brand ng nakikita ko. Etong gantong klase mas malinaw. Dream ang name tas color pink. Nung nagPt ako, pinasadya ko na magpabili ng magkaibang brand ng test kit.