PPD na ba to or nag iinarte lang ako?
Palabas lang ng sama ng loob c: Hindi ko matandaan kung kelan kame nag usap pero tanda ko yung sinabi nya na dapat ako magpahinga kase CS ako pero heto sya ngayon hinahayaan lang ako mag galaw galaw ? Wala pa nga akong tulog simula kagabi kahit ang usapan pagdating ng umaga sya naman mag aalaga kay lo kase wala pa nga akong tulog ☺️ Kinuha naman nya si lo pero di nya mapatahan tapos dumating pa sa point na nataasan na nya ng boses kaya kinuha ko si lo kase ayoko ng ginaganun nya si lo porket di na nya alam gagawin, kaya ayun puro na sya ml after non di na rin sya nag insist na kunin si lo kaya ngayon wala pa din akong tulog hehe Tapos feeling ko dami ko na ding insecurities sa katawan kesa panget na ng tyan ko, laki ng tumubong pimples sakin, may kuliti pa ako kaya nakakababa ng confidence... Tapos makikita ko pa fb nya na may nakakausap syang babae tho friend nya yon kaso masyado na sila nagiging close ulit and nabobother ako dun hays di ko alam kung bat ganto pero naiiyak ako pag nakikita ko mga chat nila ewan feeling ko kase wala na nga syang time samin tas meron pa syang nakakausap na iba. Kalaro nya din sa ml yung girl mehehe Hm 16 days pa lang po kame ni lo.