1 Các câu trả lời
"BREASTFEEDING MYTHS" ☞ BAWAL UMINOM NG MALAMIG, MALIGO NG MALAMIG, MALIGO SA GABI, MAHAMUGAN, MAULANAN KAPAG NAGPAPASUSO. BAWAL DIN MAGPASUSO KAPAG BAGONG LIGO O KUNG KATATAPOS LANG MAGLABA ▪ Hindi masususo ni baby ang lamig kaya okay lang yan. Paglabas ng gatas sa suso, mainit init ang temperature nun. ☞ BAWAL MAGPASUSO KAPAG GUTOM O PAGOD ▪ Pwedeng magpasuso kahit gutom o pagod. Hindi nasususo ang gutom at pagod. Pero syempre kailangan maging malusog ni mommy para healthy siya. ☞ BAWAL KUMAIN NG MAANGHANG, MAASIM, MATAMIS, MAALAT ▪ Pwedeng kainin ang mga yan. Huwag lang sosobra dahil baka magkasakit ka. Hindi totoong magkaka-diabetes si baby kapag kumain ka ng matamis. Hindi rin totoo na magkaka-UTI siya kapag kumain ka ng maalat. ☞ BAWAL KUMAIN NG MALANSA ▪ In general, pwede yan. Maliban nalang kung may history ng allergy sa pamilya o may kakaibang reaksyon kay baby. ☞ BAWAL UMINOM NG KAPE AT ALAK ▪ Pwede yan basta in moderation. Huwag magpapakalasing dahil baka hindi maalagaan si baby. Ang sobrang alcohol sa katawan ay pwedeng makaapekto sa quality ng gatas at supply. ☞ BAWAL MAGPA-REBOND AT HAIR COLOR ▪ Pwedeng magpaganda mga mommy. Iwasan lang ang treatment na may formaldehyde na sangkap dahil masama ito para kay baby. Mag iwan ng gatas para kay baby at huwag na siyang isama sa salon. Mas makabubuti kung hintayin nalang munang matapos ang pospartum hairloss stage o ang paglalagas ng buhok. ☞ BAWAL MAGPASUSO KAPAG MAY SAKIT ANG MOMMY ▪ Mas magandang magpasuso kapag may sakit ka para makuha ni baby ang antibodies. In that way, maiiwasan na mahawa siya o kung mahawa man, mabilis siyang gagaling. Kung may sipon at ubo ka, maghugas ng kamay ng mas madalas, magsuot ng mask, at iwasan ang face to face interaction kay baby. ☞ BAWAL MAGPABUNOT NG NGIPIN ▪Pwedeng magpabunot ng ngipin. Compatible naman sa breastfeeding yung karamihan sa mga gamot. Para makasiguro, i-check sa e-lactancia.org ang generic name ng gamot. Humingi ng go signal sa OB. ☞ BAWAL MAGPASUSO KAPAG NANINIGARILYO ▪ Masama ang paninigarilyo nagpapasuso ka man o hindi. Hangga't maaari iwasang manigarilyo dahil delikado ito sa kalusugan mo, sa anak mo, at sa ibang tao. Pero kung papipiliin, mas mainam na magpasuso ang naninigarilyo kaysa mag offer ng formula. Pagkatapos manigarilyo, maligo at magsipilyo bago magpasuso. Nakakahina din ng milk supply ang paninigarilyo. TANDAAN NA NAKAKASAMA SA KALUSUGAN ANG PANINIGARILYO SA PANGKALAHATAN. ☞ ANG ISANG SUSO AY TUBIG, ANG KABILA AY KANIN ▪ Walang ganun dahil pareho lang ang nutritional content ng bawat suso. May tinatawag lang na FOREMILK (mas malabnaw na unang lumalabas kada sumuso si baby) at HINDMILK (mas malapot na lumalabas habang tumatagal sa pagsuso si baby). ☞ NAWAWALAN NG SUSTANSIYA ANG GATAS NG INA ▪ Kahit anong kainin, kahit anong inumin, kahit anong gawin, hindi mawawalan ng sustansiya ang gatas ng ina. ☞ BAWAL MAGPASUSO KAPAG BUNTIS KA ▪ Kung hindi maselan ang pagbubuntis, pwedeng pwede. Maraming nanay na ang naging successful sa breastfeeding habang nagbubuntis. Alamin sa OB ang status ng pagbubuntis dahil kapag high-risk, pwede kang mag-early labor. Ang breastfeeding kasi ay nagca-cause ng contractions. ☞ BAWAL MAGTAAS NG KAMAY KAPAG NATUTULOG DAHIL BAKA MAWALA ANG GATAS ▪ Hindi po ito totoo. Mawawala lang ang gatas kapag wala nang stimulation. ☞ KAILANGAN MUNANG PIGAIN ANG SUSO KAPAG MATAGAL HINDI NAKASUSO SI BABY ▪ Hindi ito kailangang gawin dahil hindi napapanis ang gatas sa loob ng suso. Nawa'y malinaw na ito mga mommies. LET'S MAKE READING A HABIT 😊🤗 Written by: Breastfeeding Mommy Blogger DISCLAIMER: Nasa sa inyo pa rin kung susunod kayo sa mga nakalagay dito. 😊 SOURCES: Breastfeeding Pinays and Kellymom 📷 CindyandJana.com