Hi. Pahingi naman po ng advice o inputs ninyo sa sitwasyon namin. Tama po ba na pagtaguan ko ng pera ang asawa ko?
Nito lang po ako nagsimula na kumuha kuha ng konting pera galing sa sweldo ng asawa ko at tinatabi ko po yun. Sa ngayon, 400 pesos pa lang naman yung naitatabi ko bukod dun sa pera na pinamasko sakin ng nanay ko.
Napansin ko po kasi na pamula nung naparito na ung mga biyenan ko samin, naging mabigat po yung pasok ng pera. As in wala pong natitira kahit piso, nagkanda utang utang pa kahit nagkaroon na ng 13th month asawa ko. Ang nangyayari kasi, hindi ko na nahahawakan pera niya kaya po hindi ko mai-budget ng maayos tapos kada sweldo niya, reported sa parents niya kung magkano kaya pakiramdam ko ung pera namin, pera din ng magulang niya. Nagpapabili din sila ng mga hindi naman kailangan kaya yung budget na nakalaan dapat sa bills namin, nasasagasaan. Kaya po nag decide ako na kumurot kurot kahit pakonti konti sa sweldo niya in case of emergency.
Bagong panganak po ako kaya hindi ako makakilos ng maayos. Hindi ko naman po makompronta asawa ko na isoli na lang niya sa mga kapatid nya yung parents nila dahil magagalit siya sakin kahit yung mga kapatid niya ung mas may kaya sa buhay. Hindi rin po pala sila nagbibigay pandagdag budget ng mga magulang nila kaya sagot namin lahat kahit saktuhan lang ung sweldo ng asawa ko kaya po puro utang kami.
Tama po na pagtaguan ko ng pera asawa ko dahil sa sitwasyon namin? Pasensya na po.