Working dilemma
Hello, pahingi naman ng suggestions sa inyo mga working moms. Ganito po ang aking dilemma, I am a mom to a 1 year old na. So i am planning to go back to work sa BPO. si LIP, may plan din na magwork. Kaso walang magbabantay kay baby. Eto ang mga contributing factors sa problema ko 1. Nangungupa lang kami ng kwarto, as in literal na banyo at higaan lang ang space namin. So for me, out of the question na ang maghire ng yaya 2. Walang magaalaga talaga sa kanya, kase yung family members ng LIP ko lahat busy. 3. Bali yung work ko, wfh temporarily, pero mag Rrto na din in a few months. 4. Si lip, ang offer sa kanya, onsite 1 week training tapos wfh na after. 5. Graveyard shift ako, si LIP di ko pa sure sched. 6. Yung expenses namin dito sa inuupahan namen halos 13k mahigit every month. Wala pa expenses ni baby jan. suggestion ni LIP, iuwi muna si baby sa probinsya para ang mga parents ko muna titingin habang kami ay nagtatrabaho. Weekends uuwi kami ni LIP para makasama si Baby. Gusto ko isipin na, okay lang na ako na magshoshoulder lahat ng expenses. Pero di naman ako confident sa way nya mag-alaga sa bata kase halos nakatutok lang sya sa fone kase nag Aaxie sya. Ang question ko, should I work and let him take care of our son? Dalawa ba kami dapat magwork kase isa pang problem ni LIP ang laki ng utang nya sa akin at gusto gusto ko ng bayaran nya yun. Parang natutuliro ako kung anong dapat gawin

