Mommy mas komportable ka kung nanay mismo kasama pagkapanganak mo kc base sa kwento ng nanay ko, byenan nya nag alaga sakanya. Ayaw kc syang alagaan ng nanay nya.. ewan ko ba.Maalaga daw byenan nya kaso andun daw yung nahihiya syang hndi labhan undies nya pg maliligo na sya kc nahihiya sya pero dapat bawal pa sya maglaba at gumawa ng mga bawal. Mas mananaig daw yung hiya mo pag byenan mo kasama mo at mahihiya ka pang utusan sya pg may kelangan ka. Sacrifice nalang.. ilang buwan lang naman. Ganyan din ako pag manganganak na 1hr din byahe pag uuwi sya samin kc uuwi ako sa bahay ng parents ko bgo ako manganak
girl mas okay kung dun ka sa inyo swear. Kase lalo ka lang madedeppress kung sa kanila pramis. 99% ng mga new moms eh kawawa kapag nasa inlaws. Yung tipong hindi ka makakakilos ng malaya. So i-push mo na dapat sa inyo, ikaw ang manganganak, ikaw ang magkakapostpartum, ikaw ang mapupuyat, ikaw ang magsasacrifice hindi asawa mo kaya dapat ikaw ang masusunod dahil ikaw ang mostly mahihirapan tapos lalo pang madadagdagan kung sa kanila.
Sis dun ka sa inyo, based on my experience lang, dun ako sa in-laws ko nung nanganak ako (parents ko kasi nasa abroad that time). Sobra hirap ako nun kasi mil ko parang minamadali pa ako na gumaling tahi ko, (cs me) siguro para maka-gawa gawa na ako sa pamamahay nila.. At alam mo ba, after 1 week naglalaba na ako at naghuhugas ng plato kahit di pa magaling tahi ko.. Wala e, tamad kasi mil ko..tapos asawa ko din may pagka-tamad..hahahaha
Hi momsh, dun ka kung saan ka mas comfortable at meron kang makakatulong. Iba ang hirap mag alaga ng bata kailangn mo ng katuwang. Pano kapag nag work na si Hubby mo sino tutulong sayo? Xempre nakaka hiya manghingi ng favor sa in laws mo lalo na at hindi pa kayo gaano ka close. Pero its up to you momsh. Suggestion lang.
wala ka po bang mapapakiusapan na kamag anak mu po or nanay/tita mu na pumunta jan if nahihiya ka po sa biyenan muh?kung wala po mas mabuti po siguro dun ka na lang sa kanila kasi po yung magulang nya kahit papano makakatulong din po yun sayo,tska kapag may baby kana automatic matuto ka po sa pag aalaga sa baby mu😉
Mas maganda kung sa inyo. Sobrang laki ng pagkakaiba ng nasa inyo ka kesa kung nasa byenan mo ikaw. Mas komportable kapag sarili mong nanay kasama mo. Sa mother in law mo kasi mahihiya ka pang makipagpalitan e. Di tulad sa nanay. Magkukusa yan na bantayan si lo mo para makatulog ka kahit papano.
dun k s kung san k mas komportable. .ung pag aalaga ng baby siguro nuod nuod k s youtube ng mga gusto mu mlman. .kasi ako nanganak ako n wlang kamag anak or mgulang s tabi ko. .kmi lng mag asawa. .lakas loob tsaka lhat napagaaralan nman. .
same tayo. kaya naghahanap ako ng prenatal classes or seminars na malapit sa lipatan namin para may idea na ako bago lumabas si baby, 4months na lang din bago sya lumabas 😊