Help for my toddler, please.

Pahelp mommies, 3 concerns. 🥹 1. Pashare naman po pano maging kampante na free roaming lang si baby niyo sa house, yung may toddlers? I have 17 months old boy po, nasa playpen pa rin siya sa taas (kwarto) at baba (sala). Takot ako mabagok siya, magkutingting, mahulugan ng kung ano at makuryente. Hay. Sorry, FTM po. Parang mapapraning ako, praning na nga 😂 Nabagok na rin po kasi siya one time sa mall last week lang. Pero okay naman sabi ng pedia. 2. Pa'no sila iencourage magsalita? Few words lang ang alam niya: papa, mama, te (ate), dede, be (bear), ball, kak (quack for duck), roar (lion). Hindi siya nag no or yes pa. Shake ng head lang. Alam naman niya name niya kasi lumilingon siya everytime. Nagbabasa kami ng books minsan kapag wala na akong work, pero mas madalas siya manood ng tv (Miss Rachel, Super Simple songs) especially kapag working na ako and nasa ate na niya siya. 3. Lastly, tips po sa paano maghandle ng tantrums. Ang tindi naaa. With matching liyad and super sigaw/ tili to the point na nauubo na. Thank you so much po, big help 'tong group lalo na sa first time nanay like me. 🫶

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời