tired of taking care of my baby

pagod na ako mag alaga sa baby ko 3 month old. gusto ko ba bumalik sa work. nafeel nyo rin ba to

676 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Normal lng na makaramdam tau na napapagod ang katawan natin.. Pero kapag nakikita natin ang lo natin na malusog at nakangiti.. Nawawala ang pagod natin... Lalo na ung natutulog sya na ngi2ti ngiti sya.. Ang saya sa pakiramdam... At sa ngayun. Lng naman mahirap alagaan si lo ngayung baby pa sya kasi ung pagbubuhat, papadede at ung paggising nya ng hating gabi o madaling araw para naglalaro sya.. At ung my sakit sya kasi d pa nia nasasabi.. Pero pag lumaki na ng kaht 1 year old.. D na masyado mahirap alagaan... Savi nga nila mabilis lng lumaki ang bata kaya u treasure every moments...

Đọc thêm

first time mom po ako.. at talagang naka experience ng post partum stage . 3months na po baby ko at nung mga unang buwan umiiyak talaga ako kasi feeling ko pagod na pagod ako.. pero kapag nakikita ko yung ngiti ng anak ko. grabe yung fulfilment as a mom na nagsisisi ako bakit nakakaramdam ako ng pagod.. at nagsosorry ako kay baby.pero mommy cheer up.. ok lang makaramdam ng pagod humingi ka ng tulong sa asawa mo o sa ibang kasama mo sa bahay para makapahinga saglit.kumuha ka ng lakas sa anak mo.. kayang kaya yan mommy makakaraos din tayo.minsan lang baby ang mga anak natin🙂😇

Đọc thêm

I feel you momie. 2 months na si baby pero sobrang pagod na nararamdaman ko. Sa sobrang pagod ko at iyak ng iyak si baby nasigawan ko na sya at na patingin ako sa bed na parang gusto ko na sya ihagis,. Pero pinipigilan ko sarili ko kaya ginawa ko nilapag ko sya ng bigla na padabog.. Nasabi ko rin sa knya kung wala naba katapusan yung pG alaga.. Pero natauhan ako nung sinabi ko un, mahal na mahal ko yung baby ko at ayaw ko sya mawala. Ginawa ko hinayaan ko sya umiyak at nahiga ako sa tabi nya para ma calm down ko yung sarili ko. At yung medjo OK na ako tsaka ko ulit kinuha si baby

Đọc thêm

Nafeel ko dn yan mi nung unang buwan ni baby. Feeling ko pagod nako wala kasi ako kapalitan mag alaga kay baby dahil ayaw dn ni baby sa Papa nya😅 naiiyak pako nung una hehe pero naisip ko na lalaki dn si baby at hndi nmn habangbuhay na ganun kami. 2mos na baby ko ngayon at mas gusto ko na lagi sya karga at pag tulog nakahiga sa dibdib ko. Gusto ko sulitin yung time na naglalambing sya lagi na gusto nya karga at yakap ko. Kaya mo yan mi 😊 think positive. Babalik na dn ako work after mat leave at Papa nya na mgbabantay sknya kaya sinusulit ko na dn na kami lang muna 🥰

Đọc thêm

Your feelings are valid,mi. Being a full time mom is really taxing. I felt that as well, when I got back to work, I was reallye excited but at the same time I miss my baby. It's a matter of balance mi. Syempre, we are the parents, we are the responsible ones for this little baby that we brought to this life. Every morning, say the words "Thank you, Lord for this day" Start your day with gratitude, look at your baby and his/her smile. Appreciate these little things. Then, find time to have self-care after that, enjoy your work time and don't forget your partner as well. 🤎

Đọc thêm

may times na gnun dn ako. I left my work because of my pregnancy and ever since I gave birth nagaalaga nlg ako. nakakapagod nga especially na ikaw tlga nghahands on without much help sa bahay pero kapag nakikita q nmn na nagssmile, ngdedevelop ng maayos si baby with my hard work nwawala nmn pagod ko. nakaka proud dn.

Đọc thêm
2y trước

true po nkakawala ng pagod yung smile nila 🥺

Thành viên VIP

Ako never nakaramdam ng pagod sa pag aalaga sa anak ko lalo na't 3months pa lang sya...mas gustong gusto ko syang inaalagaan...malayo lang ako sa kanya ng ilang oras namimiss at nalulungkot na ako... kaya everytime na kasama ko sya kinakausap at nilalaro ko sya...panay selfie din kame kasi alam ko na sa mga susunod na araw, buwan o taon di na sya baby lalaki na sya at yun ang mamimiss ko ang buhatin at patulogin sya mga braso ko.. at siguro nkatulong din ang magkakaroon ko ng unang anak sa edad na 30 kaya di ako napapagod na alagaan sya... nakakawala kasi sila ng pagod..

Đọc thêm

Lahat nmn tayo mga mommy gnyan nararamdaman mii, i have 2 baby girL isang 4yrs. old at 3months old, Oo araw araw napapagod ako sakanila pero pati na din sa pag aasikaso kay Hubby but always remind na hndi ka pwd sumuko sa buhay dahil my mga anak kang umaasa, i have sideline din po ONLINE SELLING, pandagdag gastusin sa needs ng mga anak ko nilalakasan ko lang loob ko for my Family ang now I'm also suffering sa Postpartum Depression sobrang Hirap pero kinakaya ko 😥🥹 Pahinga ka lang mamsh take a little break then kapag nkapagrelax kana ng kaunti Laban ulit 🥰❣️

Đọc thêm

well i must admit na fe feel ko din yan pero ganun talaga gumawa ka ng responsibility eh so be it, if i were you mag wowork ako and going to take care of my baby at the same time, or friendly suggestion lang din po kung iniisip nyo po eh pera why not do business or online selling mas may time ka pa for both saka mas di ka pagod 👍

Đọc thêm
10mo trước

Tamaa,Ako dn po Pagod na pero Ineenjoy ko nlmg pag Alaga saknila,kse 2 po sila Twins po At Sabay sila Luamlaki Mahirap pero Emjoy lang kse minsan lang sila maging Baby .😍😇

7mos na si baby ngayon. nafeel ko na yan. as in to the point na talaga namang nakakasuko talaga sa pagod. iniyakan ko na din yan 😆 pero alam mo narealize ko na napapagod ka sa anak mo kasi iniisip mo lang yun. every morning siguro iniisip mo na agad na 'hay pagod na naman ako maghapon' instead ang dapat pala nating isipin ay ienjoy lang natin ang pag aalaga. at isipin mo na napakabilis lang ng panahon, mamaya malaki na yan. di na yan magpapakarga sayo. at itong post mo, tatawanan mo na lang 😆 enjoy mo lang sis 😊 tapos titigan mo sya everytime na tulog sya.

Đọc thêm