676 Các câu trả lời
sabi nga nila Sa lahat ng trabaho pagiging ina ang pinaka mahirap dahil walang day off at sahod tas madami kapang maririnig sa paligid mo na pabaya ka lalo na pag payat anak mo pero eto yung pinkamasaya sa lahat lalo na pagnakikita mo silang masaya na kahit anong pagod mo sa maghapon makita mo lang ngiti at ikiss ka lang nya or ikiss mo sya pawi na lahat ng pagod. treasure the moment mommy habang baby pa sila baka kasi sang araw dina tayo ang kailangan ng mga baby natin 🥰 kaya yan moms panalangin lang sa ama na makaraos tayo palagi lalo na sa pag aalaga sakanila.
No po hehe. Sa totoo lang po, hindi napo ako nagwork kasi gusto ko ako ang mag-aalaga at susubaybay sa anak ko hanggang sa paglaki nya. Bf mom po kasi ako kaya di din ako magwowork, sayang po ang gatas ko hehe. Awa ng Dyos po at hindi siya iyakin. Hindi siya sanay ng karga. Ayaw nya ng laging buhat. Kaso sa ngayon e namamahay nya, everytime na uuwe kami samin galing sa bahay ng asawa ko e naiyak sya pag nalingon sa bubong. May pagkaibahin din sa mga kapatid ko at sa nanay at tatay ko, pero ilang segundo naman e ok na siya. Sadjang sa bahay lang siya nangingiba.
Ganun talaga , lalo na kung iba iba schedule ng tulog ni baby . Pagmasdan mo lng sya matulog tpos bigla mo makikita na mag 😊 smile sya, tpos mafefeel mo sarap nyang panoorin hbang mahimbing natutulog tpos feeling mo nawala yung pagod at puyat mo dahil sa smile nya. Tpos mapapasabi ka na mahal na mahal kita baby ko. Ikaw ang buhay ko. Di kita pababayaan kahit anong mangyari, mga ganun iparamdam mo lng skanya na mahalaga sya sa buhay mo na di mo syang kayang iwan. Tulad ko kahit my problema sila Lang inspirasyon ko,. Yun lng hehe
Hahaha pero masarap gumawa dba mommy😂😂😂 Lahat po tau dumaan sa stage na ganyan d mo kc iniienjoy kaya ka npapagod dumting din aq sa ganyan pero knaya q at ngyon 5 months na c baby akala mo ba sa 3 months ka lng mapapagod ngkakamali ka po kc habng lumalaki yan lalo mas mhirap kaya dapat ienjoy nlng ntin be positive lagi un dapat aq din gsto qna bumalik sa dubai lalo na krisis ngyon pero mas pinili q mag stay dhil sa baby q mas importante nmn ung baby q kaysa sa work lalo na andyan nmn c daddy na bumuo nyan kaya dapat 2 kaung rensponsibilidad kay baby😊
oo sobrang nkkpagod mag alaga lalo na sa mga hindi snay na nsa bhay lng at mga dating nagwowork.. (mhirap din working) i mean iba kc kpg snay ka sa trabho tpos na stuck ka sa bhay alm nyo un? kaya i feel u momsh.. make sure di ka madrain.. magpahinga at magrelax khit saglit lng.. pumikit ka hinga malalim at calm ur mind.. khiy ganyan kasimpleng relaxation ng ilang minuto eh mkakatulong mareset ka.. think positive momsh..minsan nga nkakaiyak nlng tlga sa pagod pero gnun tlga.. kaya mo yan.. 🙂
nakakapagod nga po. pero after 2 weeks ko pa lang manganak, balik na agad ako sa work. work from home lang, pero nakakapagod din mentally lalo na at kapapanganak pa lang. habang nagtatype sa laptop, karga/nakahilig sakin anak ko. kapag iiyak, ihehele. kapag tatae, huhugasan. nakakaabala sa work pero kelangan. mas maswerte pa nga po kayo, kasi nakafocus po kayo sa pag-aalaga lang kay baby. marami pong nanay na alaga ng anak, sabay pa sa trabaho. kung napapagod po, magpahinga. ipagpaliban ang hindi urgent tasks. time management and prioritization are keys.
working mom din po ako .. 1 month pa lang c bb ko balik na ko kaagad sa work .. nakaka miss talaga ke bb sobra, di pa nagstart work gusto mo na umuwi kaagad .. pagod ako pero di ko naramdaman na napagod ako sa pag-alaga ke bb ko kahit magdamag puyat na puyat ako makita ko lang c bb ko na healthy sobrang saya na sa feelings po lalo na ngayon 2months old na sya nakikipag-usap na sya sa'min yung pagod ko sa work tanggal agad .. ok lang yan mommy hindi na man ganyan palagi bb natin lumalaki yan .. paglaki nila hanap-hanapin na natin pag-aalaga sa kanila ..
Ganyan din aq nuon.. parang post partum depression ngayan mommy.. feeling ko nuon ako lang mag isa nag aalaga kay baby.. hindi aq tinutulungan ni hubby kasi akala nya kaya ko..pero ang ginawa ko sinabi ko sa asawa q.. sinabi ko na tulungan nya ko need ko ng karilyebo sa pag pupuyat kasi parang na sstress naq.. yan sinabi ko.. hahaha Then nung nakakuha kami ng yaya ni baby.. nakapag pahinga aq., pero xempre assistant lang ung yaya aq parin nag aalaga sa baby ko.. may time naq makapagpahinga.. makakain ng masustanxa.. aun unti unti na kong nakakabawi..
Yes. Hindi ko idedeny na na-feel ko din yan kasi yung first 2 months ko wala talaga akong tulog at purely breastfed ang baby ko. Maya maya gusto dumede, maya maya gusto naka karga. Sandali lang din sya matulog. Buti na lang nung mag 3 month na sya nag practice na ako ng side-lying position sa pag breastfeed. Less ngawit at pagod pero nakakapagod parin kaso magdamag mo sya babantayan pero nakakatulog na ako nun. May time na namimiss ko talaga mag work ulit at mga katrabaho ko. Nung pagbalik ko sa opis sobrang saya ko na. 😃
post partum depression sign yan.. nilalabanan ko din yang ganyan feeling. malaking sakripisyo po talaga mag alaga ng baby pero dapat magfocus lang at wag nyo isipin ang pagod. kasi baka di nyo macontrol emotions nyo may magawa kayong di maganda sa baby nyo. kung pagod take time ask your partner for help. ako talagang pag ramdam ko bumibigay na katawan ko binibigay ko si baby sa daddy nya pinapaidlip nya ko para makabawi kahit konti. kasi yung stress naaabsorb din ni baby pagdumedede satin.
Charm Mercado