676 Các câu trả lời
normal lang mommy na mararamdaman mo yan. may ibang mommies na na depressed pa. madalas umiiyak sa pagod at mga problema na kinakaharap. pero ano man reason ng pagkapagod mo kaya mo yan! okay lang naman na bumalik ka sa work kung kailangan mo desisiyon mo naman yan. pero c baby mo ngayon mo lang sila maaalagaan kasi pag laki2 nila hindi naman na sila ganun kailangan alagaan. sa ngayon ang baby mo ikaw ang mundo nya.. ang mga iniiyak nya hindi yan sa gusto nya, kundi mga kailangan nya. ikaw lang kailangan nya mommy. pag tinitigan,kinausap at nginitian ka naman nya mararamdaman mo naman yung love ni baby at proud nya sayo sa kakaalaga sakanya. lahat tayo may pinagdadaanan.. basta ano mangpagod mag pahinga lang.. inhale... exhale.. pray ☺️🙏🏻 makinig ng music or meditation. ang hirap ngayon lang yan. wag masyado magpakastress.. gawin mo saan ka masaya, syempre anjan pa rin yung "mommy ka na" kasama mo na sya. sa una lang yan. ganyan talaga first time mom ☺️
minsan nakakapagod naman talaga mag alaga. but at the end of the day, kapag nakikita ko baby ko na mahimbing na natutulog sa gabi, nasasabi ko sa sarili ko, "okay lang mapagod. basta ikaw yung aalagaan ko" i love my child so much. na kahit anong pagod kakayanin ko not because she's my child, but because i love her. regarding sa work, gusto ko na rin magtrabaho para matulungan asawa ko kaso wala naman mag aalaga sa baby ko tsaka ang sabi ni hubby, siya na lang daw muna. may part rin na ayaw ko pa kasi gusto ko maging tutok sa pag aalaga sa baby ko. gusto ko makita pano siya lumaki and kung anong mga changes sa kanya. for you po mommy, enjoyin lang po natin yung pag aalaga sa baby natin kasi pag lumaki yan sila, baka magkaroon tayo ng regrets na sana pala inalagaan natin sila ng mabuti. pag lumaki sila, mamimiss natin yung baby sila ulit. baka hilingin pa natin na maging baby na lang sila ulit. keep fighting lang po. godbless you :)
mommy, cgro may postpartum dipression ka... and normal yn lht nkka experience dn nyan.... talk to ur husband about it na kng pde tulungan ka nya kht 1 hour lng... or ask one of ur family member na kng pde kht till 6 mons. lng na dyan mna snyo pra may kapalitan ka sa pag aalaga sa baby mo... mhrap tlg mgng mommy sobrang dami responsibility at ndi nttapos sa panganganak un mga gagawn... pero instead na negative, i enjoy mo un pag aalaga, pilitin mo mag isip ng positive.. mbilis lng lumaki ang mga babies mommy kya i enjoy mlng ksi pg lumaki na yn ndi mna mppansin gugustuhn mo uli un nag aalaga ka uli ng baby... dti naiisip ko dn yn but I get inspired nun naisip ko un tita ko twins un anak nya pano nya nkaya alagaan un... e aq isa lng nmn un baby aalagaan ko plus nauutusan ko din un kids ko so y aq complain... inspiration skn un sa tita ko na walang yaya pero ngwa nya mag alaga ng twins...
It's okay to feel tired. I was there nung 1 to 2 months si baby sobrang pagod ko. Pinipressure ko nadin sarili ko maghanap ng work from home kasi di ko kayang bumalik ngayon onsite at ayoko iwan si baby and wala din akong mapagkakatiwalaan na mag-alaga sa kanya. But then, what I did is try to understand my baby. Research and watch alot of yt videos while hinehele ko sya. Laking tulong yung wake windows, sleeping cues ang hunger cues ni baby kasi sobrang iyakin nya. Nung naintindihan ko na mga signs nya, it became easier. Nakagawa na ako ng routine namin kasi di ko na hinihintay ma overtired si baby and when tulog na sya, kikilos na ako sa bahay plus I try to insert paunti-unti yung pag-apply at self care ko. To add, kapag gising sya and nakapaglaro-laro na kami, ibaba ko din sya sa bassinet tapos insert insert ako ng mga gagawin ko. It feels good kasi na maging productive at nakikita ko kahit papano na maayos yung bahay.
Nakakapagod po tlga lalo kapag walang kapalitan sa pag alaga at pagkarga tapos pag may gabi na lahat ginawa mo na pero iyak padin ng iyak. Pero every time na magigising ako at nakikita ko siya ang sarap sa pakiramdam at di makapaniwala na may baby na kasi 2x ako nakunan. Kaya sobrang blessed and tinitreaasure namin ang mga araw at oras na makakarga namin sya dahil lalaki din sya at di na makakarga. Kapag tulog sya ng mahaba at dami ko ginawa sa gawaing bahay grabe... Miss na miss ko agad feeling ko tagal ko sya di nabantayan at nakasama😁. 🙏🙏🙏 By the way March 6 back to work na ako salamat sa Lord kasi pumayag school na dadalhin si baby ng 1pm to 3pm para ako magbantay kasi papasok naman si hubby. Di kami kukuha mag aalaga una nakakatakot iasa sa iba, at pangalawa makakatipid. Salamat sa Lord sa pagkakalob ng anak. Mahirap pero kaya natin mommies and I'm proud of you everyone! God bless us all! 🙏❤️👏
Really? I don't really think na normal sa isang ina na mainis kapag ayaw tumahan ng baby niya. Di ba dapat nga mag worry ka pa dahil baka may masakit sa kanya kaya ayaw niyang tumigil? baby yun e, di naman yan artista na nag iinarte lang kaya umiiyak. di naman yan mag gagamot ng sarili niya kung may nararamdaman yan. But atleast naisip mo na mali ang mainis sa baby mo and hopefully maisip mo din na hindi naman talaga nakakapagod ang mag alaga ng sariling anak. Di ko pinakikialaman ang pagiging mommy mo, we are all different, but regarding to your feelings towards your baby I guess merong mali sa nararamdaman mo. and yun nga, parang di ka pa nga siguro adjusted sa kung ano ka na ngayon, nakakaramdam din naman ako ng inis pero sa bata na gaya sa mga pamangkin ko na 3yr old pataas dahil makukulit na, pero sa baby na wala pang 1yr old that is not normal lalo na anak mo.
hindi po.. kabaliktaran pa nga ang nangyari.. 4months na yung baby ko nung nagwork nako.. nako, paiyak iyak pa ako nung unang araw na maiiwan siya sa bahay😅😅yung MIL ko ang bantay niya nung nag start nako magwork parang nalulungkot ako na mahihiwalay ako sa kanya, kahit pa pagdating ng hapon eh uuwi rin nman ako😂😂😂 Then, kapag umuuwi ako galing sa work, nakakatanggal ng stress at pagod kapag nakarga ko na siya, lalo na kapag mag i smile siya.. sarap tignan.. mararamdaman mo na blessing talaga si baby.
Ako din po noong newborn pa c baby, nag-iiyak pa nga ko minsan sa gabi...dahil sa pagod at puyat, minsan sobrang naiihi na ako..pero tiis muna dahil ayaw humiwalay sa dede (breastfeed). Though, supportive at naka-alalay naman nang husto c hubby, feeling ko soobrang pagod na. Thankful ako sa Lord na ang aking asawa ang gumagawa ng gawaing bahay. . kaya sinasabayan ko c baby matulog kpag umaga. Ngaun 2 months na si baby, mahaba na ang tulog nya sa gabi, imbes na matulog binabantayan ko pa rin sya😁at hinihintay ko magising sa madaling-araw🙂 parang nami-miss ko kasi ung moments na gising kami sa magdamag na unli dede sya then ako kakausapin sya kahit puro ngiti at O lng sagot nya😅. Mga mommy esp. mga working mommy na naka-leave lng sa work, sulitin na natin ang moments na tayo ang nagbabantay kay baby, for sure mami-miss natin ito pag nagbalik trabaho na tayo.
be wag mong isipin na napapagod ka na kaka alaga sa mga anak mo. kasi masarap magpalaki ng anak pagtanda mo sila ang tutulong sayo. ako nga lima ang inalagaan ko na anak. noon dumating din ako sa point na sabi ko napapagod narin ako. mas lalo ka palang naiistress kasi parang ayaw mo na hindi mo naiinjoy ang bawat araw alam mo pag matanda ka na at ang mga anak mo masasabi mo na hindi ko nga alam kung pano ko sila napalaki. mababaliwa mo kasi ang mga araw kung naging masaya ba kayo o pinarangalan mo ang mga anak mo o namasyal kayo. yung iba maaalala pero mas marami ka nang nakalimutan. wag mong isipin na napapagod ka. isipin mo na masaya ka at may mga kasama kang anak sa buhay mo at hindi ka nag iisa dahil nandyan ang mga anak mo. payo lang may 21 years old nako na anak at 18,14,6 2monts old na baby. lagi kang magdasal na gabayan ka ng dios at ng mga guardian angel
been there mommy pero 16mos na si baby at sahm pa rin ako ngayon for him..i feel you iba talaga un feelinf pag nasanay ka sa work and then biglang mag-aalaga ka ng baby..as in puyat at pagod talaga pero worth it sya kasi you've able to witness your baby's progress saka un mga moments na dmo inaakala ganon pla un pag nakita mo un mga kaya nyang gawin na super cute at nakakaamaze.. for now try to have some me time mommy and rest..nakakapagod naman po talaga mag-alaga.. if meron ka naman makakasama na pde muna magbantay o pag-iwanan ke baby kahit saglit lang para makapagrest ka then do it.. or ask hubby..you need some self-care and it's not being selfish of you..need talaga natin un kc if dmo inalagaan sarili mo then pano pag nagkasakit ka dba..kaya mo yan mommy..advise ko din to join some mom community kasi they really helps..
thanks mommy. napapagod na ako sknya kasi im training him mag bote kasi pabalik na ako ng work. malamang nyan pagbalik ko ng work iniisip ko kung makakadede ba sya ng maayos sa bote habang wala ako. naiisip ko nga ayoko na ulit mag anak eh.
Norycris Mandigma