676 Các câu trả lời
I felt that before.. Sobrang hard.. May times umiiyak ako at naiisip ko na sana di na lang ako nagresign☹️ first time mom din ako mommy.. nagresign ako kasi wala kaming mahanap na pwede mag alaga kay baby at nagstart na yung pandemic.. Sinabihan din ako ng in laws ko na palakihin muna si baby.. I worked as an ER nurse sa isang private hospital nun.. Nung nagresign ako.. Parang bumaliktad yung mundo ko.. Sobrang hirap talaga mag alaga.. May times nacoconfuse ako at naiisip ko bakit ganun.. Yung buhay ko sobrang nagbago after namin magkababy.. Tapos yung husband ko parang walang nangyari.. Back to normal lang siya.. Nakakapagod mag alaga lalo na kung wala kang kasama or karelyebo sa pag alaga.. Puyat ako buong gabi kasi nagpapabreastfeed ako kay baby.. Every 2 hours siyang gumigising para magfeed then palit pa ng diaper.. Then sa morning.. Gigising ako ng maaga para asikasuhin si baby.. Makakatulog si baby sa hapon kaya sasabayan ko siya.. Pero minsan saglit lang siya nagslisleep.. Kaya saglit lang din tulog ko.. Then ganun ulit sa gabi.. Puyatan na naman.. Kaya ang ending feel na feel ko yung pagod at antok.. tapos hindi pa ko nakakatulog ng diretso sa gabi.. Hindi ako swerte kasi walang sumasalo sa pag alaga kay baby kasi yung husband ko palaging pang nightshift..yung time ng gising ni baby ay time naman niya para matulog.. Yung mama ko ayaw na mag alaga ng baby then yung in laws ko.. Hindi na sanay mag alaga ng baby.. Kaya ang ending ako lang talaga.. May times pag umiiyak si baby.. Umiiyak na lang din ako kasi pagod na pagod na din ako.. Nakakaexhaust talaga..😭 Pero don't lose hope mommy.. Baka naggrogrowth spurt lang si baby.. Dati pag napapagod ako.. Nagdadasal ako.. Kinakausap ko si Lord na palakasin niya loob ko kasi hindi ko na kinakaya.. Kinausap ko din husband ko na tulungan niya ko as much as possible sa pag alaga kasi kailangan ko din ng pahinga.. And eventually medyo naging bearable na yung pag alaga ko kay baby.. Try to talk to your partner or to your family mommy.. Magvent out ka sa kanila kasi nakakatulong talaga yun.. And Wag ka mahiya magsabi na bantayan muna nila si baby.. Para hindi mo masyadong mafeel yung pagod.. Atsaka kung may mag aalaga kay baby pwede ka na bumalik sa work mommy😊
Nung una nafefeel ko din na pagod na pagod ako kakaalaga karga dito padede dito minsan nasasabi mo pa na napapagod na ako!!! ..pero isang araw naisip ko minsan lang maging baby ang anak ko sa susunod na taon ndi ko na mahehele ng matagal ksi malaki na sya at hahanap hanapin ko ung ngiti ng isang maliit na bata👶👶..kaya naun every moment chinecherish ko na.ndi ko na rin ramdam ang pagod ko..sarap sa feeling💕💕💕 MY LITTLE ONE 👶👶👶
Para sa 2nd to the last na nag comment. Siguro your not a Mom. Hindi mo maiintindihan ang ganyang feeling hanggat di mo na-eexperience ang pagiging Nanay. Sana nag isip ka muna bago mo i-type yang comment mo na "aanak anak tapos hindi kayang alagaan". Hindi ba pwedeng nakakafeel lang talaga ng pagod si Mommy. Hindi kami immortal huy! Nakakafeel din kami ng pagod. Pero at the end of the day naman kinakaya ng isang Ina ang lahat ng hirap at pagod para sa anak, para Pamilya. Maka comment ka parang ang perfect mo. Sana nag research ka din bago ka mag comment jan. Sana alam mo kung ano ang tinatawag na Postpartum Depression. Nakadagdag ka pa sa Stress imbes makatulong.
yes nakakamiss mag trabaho pero di ako napapagod mag alaga sa baby ko pero. gustong gusto ko syang tutukan pero mag tatrabaho ako .para nmn sa anak ko tong gagawin ko ibibigay ko ang lahat para sa kanya lahat lahat kaya sana palarin ako ng diyos at sagutin na ang hinihiling ko para sa anak ko. kakayanin ko ang lahat. kahit mahirap dahil sa ngayon gusto ko man sya ibili ala akong pambili ☹️ kaya binabalak kong mag trabaho para nmn sana sa anak ko mahal na mahal ko ang anak ko. going to 4mos na sya .balak ko pag nag 1yo na cya mag work na ko .di kasi sapat kita ng asawa ko may sariling bahay nmn kami pero ung mga bills and needs ni baby dapat pag ipunan nakakaraos nmn pero gusto ko talaga ibigay ang lahat sa kanya kaya gagawin ko ang lahat kahit mahirap para sa anak ko kahit malayo man ako pansamantala ito'y para nmn sa kanya. kung may tumutol man sakin sa angkan ko o sa angkan ng asawa ko? ang masasabi ko lang kung tututulan nila akong mag trabaho sige sila na gumastos samin. kung kaya nila kami buhayin. syempre gusto ko rin nmn ibigay ang lahat sa anak ko. wag na nila sirain ang plano ko para sa anak ko. dahil di ako nmn qng mqgulang nito kqya shut up nlng sa kanila watch nlng kung ano magagawa ko para sa anak ko na ikakasaya ng anak ko di nmn sila ang bubuhayin ko eh .
nakaka guilty po minsan kapag sinasabi na "pagod kana " sa pag aalaga sa baby. isipin mo nalang po na paano sila kapag susukuan natin. may time na iiyak pa sila na hindi mo alam kung bakit napadede mo naman napalitan mo n din ng diaper hinile mo na pero iyak padin ng iyak. mapapatanong ka kay baby kung ano bang gusto nya then marerealize mo hindi pa naman sila nakakapag salita tanging iyak lang ang tugon nila sa lahat ng nararamdaman nila. then one day i realize na walang ibang kakampi at tatanggap at mag aalaga sa anak ko kung hindi ako lang din dahil ako ang nanay nya i feel guilty sa mga times na naisip ko pagod nako sa mga times na napagalitan ko sya dahil sa kakaiyak naisip ko wala syang kamuwang muwang sa Mundo at wala syang kasalanan. wala naman syang kasalanan kung bakit tayo napapagod natural na satin mapagod dahil nanay nila tayo. and that day sinabi ko sa Sarili gagawin ko lahat gagawin kong hindi mapagod, magalit. i will understand his body language kung ano ang need nya kung may nararamdaman syang masakit. and kapag nagigising sya sa hatinggabi na ayaw pa nya matulog nag pplay ako ng cocomelon and nakikipag play ako sa baby ko. Makita ko lang ngiti ng baby ko na abot hanggang gilagid nawawala lahat ng antok at pagod ko. hope you realize it too.
Just take a little break. Naalala ko noon iyak ako ng iyak kasi wala akong katulong sa pag-aalaga kay baby. Nakakastress yung puyat sa gabi. Hindi mo na maayusan ang sarili mo. Para ka ng alipin ni Baby. But then ganun talaga. Hindi pwedeng mapagod. Susuko ang lahat pero hindi ang nanay.
Same rin po ako sayo mi😴💪💪
nung first month ni baby halos walang pahinga. susuko ka nalang lalo na wala tlaga ako kapalitan dahil si baby ayaw kay hubby. one time madaling araw di ko alam na kinakabag si baby nagdadabog na ko sa inis at pagod nun, halos kung ano na sinasabi ko. imagine ikaw lahat eh. nakita ako ni hubby bigla nyang sinabi. " sige iwan mo nalang yan sa labas, parang di mo anak kung pagalitan mo!" dun lahat nagsink in na wala pa kamuwang muwang si baby, ako lang magkapagaalaga sa kanya ng maayos, sakin lang sya umaasa. dun ko narealize na di dapat ako mapagod kasi may umaasa na sakin. may magmamahal sakin pagtanda ko, .sa una lang lahat mahirap soon lalaki si baby at mamimiss ko yun balang araw kaya icherish mo mommy.kaya ngayon. di na ko nagagalit sinasasaksak ko sa sarili ko na anak ko sya at ako lang inaasaahan nya. kaya mommy una lang yan. malalagpasan din natin yan. lahat ng to ay pansamantala lang kaya enjoy mo muna mommy. while nasa bahay ka magpaganda ka muna. ganyan ginagawa. nagsusuot ng sexy or nagmamake up para lang di makababa ng self esteem. ❤️
May nabasa ako na book for moms (particular for the first timers) Sabi doon, normal lang daw na mapagod minsan, mainis minsan, na minsan pakiramdam mo hindi na ikaw yung dati kaya nalukungkot ka, at marami pang iba, normal daw yun. May mga araw daw talaga na mararamdaman mo yun at bilang tao, bilang babae, bilang magulang, ayos lang daw yun. Hindi naman daw dun sa miminsang mga moments na ganun made-define ang pagiging magulang ng isang tao. Basta po sana kung nararamdaman mo man yun, wag mo po hahayaan na lumalim, ikaw mismo gawa ka ng paraan para mawala sa isip mo yung ganun at para na rin hindi po lumalim, kasi kapag nagkaroon ka ng hate, baka mapunta lahat yun sa anak mo, kawawa naman sya... Siguro nga okay lang po yan, pero nass tao pa rin kung paano nya iwo-workout lahat ng stress. Kaya po yan, mommy! Wag ka po susuko, kaunting tiis na lang, sabi nila, it gets easier, pero pag may anak, nothing is easy, pero kakayanin natin. Ito po ang lagi mo iisipin kapag ganyan ang nararamdaman mo "My child and I are creating memories" 😊 🥰
Hindi sa jinajudge kta momsh. pero ako as a first time mom super blessed ako ky baby, mas pinili kong huwag nang bumalik sa work para maalagaan sila ng asawa ko❤ Pure breastfeed kya totoo nakakapuyat, mabuti ung ibang baby 2-3hrs ang interval ng pag dede ang baby ko every hour gusto nya so hndi nman pwdeng hndi ko sya padedehin, pero tuwing nagdedede sya sakin tinititigan ko sya at sinasabi ko na ok lng mapuyat si mommy basta maging healthy ka💞 Tapos asikaso pa ky mister sa umaga luto ng almusal at baon nya, masaya ako na full time mom ako sa asawa at anak ko. Masaya ako na naibbgay ko lahat ng kailangan nlang dalawa at never kong ininda ang pagod. sabi ng iba happy momment daw ng nanay kapag tulog si baby ksi nga makakapag pahinga na pero ako HAPPY MOMMENT ko un hndi para magpahinga kundi para gumawa ng gawaing bahay gusto ko ksi palaging maaliwas ang bahay namin at gusto ko rin laging masarap ang ulam ng asawa ko tuwing uuwi sya💞 btw 3mos napo now si baby ko and 1yr and 2mos napo kming kasal ng husband ko❤
Lahat tayo mommy dumadaan dyan. Ako 15 and 3 na mga anak ko. Talagang aabot ka sa punto na ayaw mo na pagod ka na. Even to the point you’re shutting your world already. But then kapag nakahinga hinga na tayo. Ready to fight na ulit. You will always have moments. 3 months ka palang nakakapanganak. Give yourself some slack. Tell your partner or kung sino man ang pwede mong makausap to atleast ease what your feeling. Let us not judge fellow mothers. Parang hindi nyo naman napagdaanan yan. Technically tayong lahat hindi ready maging nanay kahit pa planado pa ang pagbubuntis o hindi. Ang pagiging nanay continuous process yan. Everyday natututo tayo base narin sa kung ano nagiging experience at situation natin. Kanya kanya tayong battles mga nanay. Wag magkumpara. Breastfeeding or formula milk? Kahit ano! Ang importante dumedede ang baby. FED IS BEST! Empowerment kailangan ni mommy hindi panghuhusgsa. May constructive criticism pero mga nanay basahin muna ulit ang iaadvice bago ireply. 😉
Iba naman sakin momshie, 1st time mom nung 0months pa si Baby maiyak iyak ako kasi di ko makuha mga gusto nya halos iyak ng iyak, naawa ako sa asawa ko kasi sya nag aasikaso sa bahay, nagowowrk sya,at nag aalaga sa anak nmin dahil CS ako, halos sabi ko pa nung sau na yang anak mo, yun pala postpatrum depression na pala yun. Hanggang sa 1month to 2months gustong gusto ko na sya kayakap, halos alam ko na sya paanu mapatahanan di ako napapagod sa anak ko, natatakot iwanan sya kasi di alam na magbabantay yung ugali ni baby, merong karga na ibang way gusto nya, may time na duyan sya, minsan burf gusto nya mga gnun madaming luho.. Sa ngaun gusto ko na magwowork for him para may panggastos na din, makatulong sa asawa ko, nag usap kami sa oras at palitan namin para makapagbantay padin kmi, buti nandyn mga parents namin para umalalay. khit puyat at pagod kami ng asawa ko sa work pero masaya kami umuwi kaagad para maasikaso c baby.. Postpatrum yan momshie, wag kang mag iisip ng negatibro
Trixie P Crisostomo