55 Các câu trả lời
once a day lang po. hugasan ng mabuti yung pusod lalo na kung di pa natatanggal ang cod para iwas sa infection. linisin ng mabuti then wag lagyan ng alcohol and betadine, kasi kung anu yung nilalagay nyu sa pusod yun ang pumapasok sa loob ni baby and it can harm your baby. as per pedia. sinunod ku lahat then ok na yung pusod ni baby after 5 days matapos ipanganak.
Yung baby ko, pinaliguan nung lumabas ng hospital. Tapos sabi ng doctor kahit 2-3x a week lang ang pagligo nya ok na yun. Hindi naman kasi nadudumihan lagi ang new born baby. Tapos mabilis daw mag dry ang skin ni baby kung laging mong papaliguan sabi ni pedia. Pero dapat po laging sponge bath lang si baby everyday.
Pwde mo paliguan kapag natanggal na ng kusa yun pusod nya. Pag di natatanggal.. punas lang muna or basta wag mababasa ang pusod. Pag natanggal na.. ang sabi kahit 3-4x a week. Kasi di naman sila need maligo araw araw dahil di naman sila mabaho tulad ng mga toddler na nagpapawis.
yes sis. baby ko 24 hrs from birth pinaliguan na. yung nurse ang nagpaligo tapos tinuruan kami kung pano 😊. since then, daily naliligo si baby, usually mid morning.
Yes po, need pong paliguan. Lalo na sa panahon ngayon ang init para mapresko si baby. Kahit once a day mo po paliguan, maligamgam pong tubig.
Once a day lng mommy, everyday po sya paliguan.. Peru yung pusod nya mommy wag mo syang basain linisin mo lng sya ng alcohol at betadine
once a day po. 3x a week ang ligo. tapos sponge bath naman pag di sya naligo. kasi madali madry ang skin ng newborn pag everyday ligo.
Once a day usually morning. With my first born, thrice a week lang not everyday until 3mos. Then afterwards pede na everyday.
yes sis.. araw araw dapat yan sabi ng pedia ng baby ko.. tapos pag hapon lilinisan ko din sya para fresh sya bago matulog..
once a day, everyday. as advised by pedia. pero ako noon di pa natatanggal cord punas lang kasi natatakot ako mabasa.