Pag nagkikwento kasi si mother in law about sa pagbubuntis nya sinasabi nya na namamalengke pa sya at nakakapaglaba at kung anong mga gawain sa bahay. Hindi ko alam kung nagpaparinig ba sya o ewan ko. Dito pa kasi kami nagstay sa kanila due to pandemic mahirap makahanap ng bahay..Pero mabait naman sa MIL minsan lang nababahala lang ako na baka natatamaran sya sakin kasi minsan nakaupo lang ako pero tuwing umaga naglilinis naman ako sa loob ng bahay di nya lang nakikita kasi namamalengke sya. Sa case ko kasi mga mommy nagkaroon ako ng subchorionic hemmorhage nung first trimester ko kaya super bed rest ako nun kaya ngayon nag aalala ako na baka konting kilos ko eh bumalik ulit hindi ko lang masabi kasi baka hindi nya maintindihan. Hindi ko lang talaga alam kung nagpaparinig sya or nagkikwento lang.
#FTM
#Needadvice
Anonymous