Flat head at 3 months
May pag asa pa kayang bumilog ulo ni baby? Or nasa genes po talaga? Ayaw ko po kasing tuksuin siya ng mga marites
Hello. May pag-asa pa. 3 Tips ko sayo. 1. Maging consistent po kayo pagpapatummy-time or pagpapa-dapa sa baby, nuod ka ng video sa YT para may idea ka paano at may oras din ng tagal depende sa age. Ganon talaga sa umpisa ayaw nila pero masasanay din yan katagalan. 2. Kung patatagilirin niyo po si baby isama mo pati katawan, kasi kung ulo lang, hindi talaga yan mag i-stay. Pero BANTAYAN mo po, kasi hindi pa ideal sa age niya matulog ng nakagilid esp kung hindi pa natuto gumilid. Kung hindi mo mabantayan patihayain mo na. Pwede rin kung breastfeeding magside lie feeding kayo, pero always BANTAYAN po, wag matutulog. 3. Wag mag unan, kung mag uunan, bili ka medical grade pillow. Gamit ko sa baby ko MIMOS PILLOW. Hindi siya gawa sa foam. Hanap ka ng Legit. Ang Original na MIMOS mahal, sakin bili ko 6kplus. Pero effective. Hindi nga lang bumilog ng masyado ulo ng anak kasi 2 months old pa lang siya active na siya, umaalis na sa unan. Pero ganon pa man hindi siya flat head.
Đọc thêmmore tummy time po kapag gising si baby then kapag magsleep sya both sides lipat lipat po. may nabibiling baby pillow na may curve gamit ko s baby ko noon malambot pa naman po ang skull ng babies
Tihaya lang po gustong posisyon ni baby. Tinatry po namin ilipat both sides pero bumabalik pa din po. Anong pillow po yun mi? Thabks po
ig: millennial_ina | TAP since 2020