Pabayang ina
Pabaya kang Ina. Ginusto ko bang madapa sya? Pinili ko bang mapabayaan sya ng saglit? Masaya ba akong nakikita syang may bukol? Kasalanan ko bang natuto na syang maglakad at maglikot? Tama bang tawagin mo akong pabaya sa bawat oras na masasaktan sya? Sana'y nagkaroon ako ng taong mapagsasabihan. Kailangan ko lang ng mapagku-kwentuhan. Yung maiiyakan. Yung hindi ako mahuhusgahan. Sana'y ikaw yun, kala ko'y ikaw yun. Pero sa halip ay lagi mong pinaparamdam na mahina, tanga, at "pabayang ina ako"