Crawl / Crawling Technique
Paano po ninyo tinuruan mag crawl si baby.? Nung 6 months nya kasi nauna ng mag walker kaya nung tummytime hnd nya magalaw paa nya.What to do?? Btw. 8 months na nya.
baby ko di nagcrawl 🤣 parang uod lang sya until 10mos naghakbang hakbang na sya .. deretso tayo sya nung 8mos na sya pero may tummy time padin kami kahit anong gawin ko auaw nya magcrawl nun ehh pero encourage ko lang sya using toy para abutin or habulin nya 🤣.. and yes nagtaka mga marites kasi nga 8mos na daw di pa nagcrawl dedma lang ako hindi naman nakikipagkumpetensya ang anak ko 🤣 no walker, andador lang na di nakakausad kasi nakacarpet kami so standing lang sya sa andador. Ngayon 3yrs old na panay takbo ❣️
Đọc thêmmy baby didnt crawl. tumayo na lang agad eventually nag walk na. wala pang 1 yr old naglalakad na baby ko. no walker din kasi hindi advised ng pedia. hayaan mo lang anak mo matuto.
wait, patience, hayaan mo ang anak mo matuto. just support at wag ippressure ang baby. may babies din na di na gumapang like kami ng kapatid ko according sa mom namin.
Di ko tinuruan si LO, hinayaan ko lang syang kusa matuto. More tummy time lang, para mas tumibay katawan nila. Dun magsisimula lahat
iba iba po ang development ni baby. may mga baby po na hindi na nag gapang. ang iba po minsan diretso lakad na hehe
Never ko tinuruan baby ko kahit dumapa o tumihaya o tumayo haha. Hinahayaan ko lang sya mag explore mag isa.
Maglagay po kayo Toy sa harap niya or kayo mismo para kusa sya lumapit.
Si baby ko po bigla na lang siya gumapang 😅