Please help

Paano po mawala yung nasa mukha ni baby? Marami rin po siya sa ulo. No to bash po! Please help! 1 month palang po si baby 🙏🏾

Please help
131 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

baby oil lan po yan sis... lagyan mo na cia bago maligo... tas pagmalambot na e di paliguan mo na cia... tas after lagay ulit baby oil.. tas use cotton buds pang tanggal... madali lan yan ung sa buhok lan dapat mag ingat kc mapapanot c baby.. dahan dahan lan...

Thành viên VIP

if breastfeed po kayu pwede nyu lagyan si baby ng milk mo, kasi merin din nyan sa ulo ng baby ko peru kunti nalng tsaka normal lang naman daw nya pagkapanganak. peru ang advise ng pedia is before maligo lagyan ng baby oil and then after maligo eczacort cream,

normal Naman Po Yan sa baby ..sa ate ko Po KC dati ganyan Hanggang sa ulo Po, ginagawa Niya bago maligo binababad Niya Po Muna sa baby oil para pag naligo Po eh malambot na at onti onti nman Po mwawala Yan...

yung sa baby ko nawLa nung pinupunasan ko ng tubig na maligamgam tas bulak yung gamit na pampunas tas after mapunasan. punasan ng bimpo na tuyo yung malambot every morning ko gingawa tas sa hapon bago palitan ng dmit . ayun unti unti na syang nawala

may ganyan rin po lo ko nung mag iisang buwan sya. ang ginawa lang po namin ay nilalagyan ng baby oil 30mins before sya maligo tapos scrub mo po dahan lang ng malambot nyang towel pang ligo yung sobrang lambot po. parang dandruff po kasi iyan

cradle cap po.. sa lo ko every after po maligo habang soft pa po eh inaalis ko gamit ang cotton buds nawala naman po pero yun sa ulo mismo ginamitan ko ng cetaphil tapos hair comb kapag naliligo nawala rin be cautious lang po..

Thành viên VIP

Kapag pinapaliguan mo si baby, gently wipe it using cloth. Matatanggal yan siya. Yan advice ng pedia ni baby ko sa akin dati. Akala ko kasi hahayaan lang siya hanggang mawala kaya na notice ng pedia ni baby na di pa nawawala.

Try cradle cap cream po ng Mustela. Effective sya sa baby ko. Ginagawa ko po is apply overnight and before maligo. Minsan po, pagtapos pa lang nya maligo nilalagyan ko na agad sya and again sa gabi. ☺️ btw watta cutieee

Thành viên VIP

Pag papaliguan mopo momsh panghilod mo ung wipes sa mukha pero mild lng.. At araw araw po dapat linis at ligo. Lagi mo punasan bulak with warm water na may konting patak ng wash ung tubig ska mo panlinis sa mukha nya..

normal yan mi. nagka ganyan din baby ko after 2 weeks na pinanganak ko sya.. nag ask ako sa pedua about it sabi ni doc thats normal daw and dont put anything on it.. kusa nman sya nawala after 1 week totally nawala na.