61 Các câu trả lời

Pwede pong kasuhan MGA KASAGUTAN SA TANONG TUNGKOL SA HINDI PAGBIBIGAY NG SUPORTA NG AMA SA KANYANG ANAK!!! "IYONG AMA NA PABAYA SA ANAK! DAHIL MAY IBA NA ITONG KINAKASAMA" - Humanda na kayo! UNDER REPUBLIC ACT NO. 9262 ⚖ (Anti-Violence Against Women and their Children Act) Dapat ay alamin ninyo kung nasaan naroon ang tatay ng inyong anak, maaring sa bahay nito o kung saan ito nagtatrabaho para mapadalhan ng mga "demand letters". Kung nasa ibang bansa o sa lugar na hindi nyo alam ipadala ito sa kanyang tatay o nanay o sa huling alam mo na address kung saan siya nakatira. Maari rin itong ipadala sa email niya o sa mga messenger ng social media upang maging ebidensya na pinadalhan mo ito ng demand letter. Kung walang ipinadalang demand letters o ebidensya ng demand letter sa pagsuporta, hindi matatanggap na kaso ito ng R.A. 9262. Dapat ay mga menor edad ang iyong mga anak o may edad na 18 pababa at kung ito ay nag aaral pa kahit lagpas na sa 18 kailangan pa rin niya itong suportahan hanggang matapos sa pag aaral. Hindi na kailangan ipa-barangay ang tatay dahil ito ay isang kriminal na kaso na may parusa na mahigit 1 taon na pagkakulong kaya hindi nito requirement ang pagdaan sa Katarungang Pambarangay. Maaring magtungo sa tanggapan ng Police Station at hanapin ang Women's Desk o VAWC Officer at sabihin nyo na magpa-file kayo ng economic abuse ng RA9262 para gumawa sila ng blotter at ng inyong Sinumpaang Salaysay. Gagabayan na po nila kayo hanggang sa ito ay makumpleto at maisampa sa Prosecutor's Office kung saan kayo manunumpa. Un Hintayin ang subpoena at sasagutin nito ang reklamo mo at duon din ay ipapaliwanag ni prosekutor ang bigat ng kasong isinampa mo kung hindi ito mag susustento sa kanyang anak. Ang RA 9262 ay may kulong na 6 - 12 taon kapag napatunayan napatunayan na intensyonal na walang sustentong ibinibigay ang ama sa kanyang anak. Hindi ito gaanong magastos na proseso dahil hindi mo na kailangan ang abogado dahil si fiscal o prosekutor ang tatayong abogado mo ngunit kung gusto mo, pwede ka kumuha ng private prosecutor na isang private lawyer. Ang RA9262 ay walang filing fee sa court, wala kang babayaran para mag file ng kaso. Karamihan naman po sa kasong RA9262 ay ayaw makulong kaya ang gagawin ay tutuparin na lamang magsusustento at ito ay dapat na may kasulatan Anumang kasulatan sa future support ay void under Article 2035 ng New Civil Code, kaya ang amount na pagkakasunduan ay hindi fix kundi depende sa needs ng bata at capacity ng tatay na pwedeng itaas o ibaba base sa pagtaas ng needs ng bata at capacity ng tatay. Ang ilalagay lamang dito ay ang estimated amount. Common Questions: 1. Pano pag lumaban sa korte? Madali lang yon kung wala syang proof na nag susustento sya REGULARLY tapos na agad ang kaso. However, dahil proof beyond reasonable doubt ang requirement sa criminal case, kailangan mo patunayan pa rin sa korte na: 1) may paternity relation ang tatay sa bata; 2) may capacity to support ang tatay; 3) may demand na ginawa para sa suporta; at 4) hindi nagsuporta ang tatay kahit may demand to support. 2. Paano kung hindi inaako ng tatay ang anak o hindi nakapirma sa birth certificate o hindi naka-apelyido sa tatay ang anak? Pwede pa rin as long as may evidence ka na siya ang tatay ng anak mo katulad ng 1) DNA test, admission ng tatay sa mga dokumento, 2) sa mga email, chat at social media, testimoniya ng witnesses na hayagan at patuloy na tinuturing ng tatay ang bata bilang anak at iba pang paraan na nasa Rules of Court para patunayan ang paternity. 3. Paano kung may pamilya na sya? Kasal o hindi kasal kayo, may pamilya na o walang pamilya ang tatay, regardless sa status ng anak nyo legitimate or illegitimate, hindi nagbabago ang obligasyon ng suporta ng magulang. Your child has the right for support karapatan ng mga anak nyo yon. Mabigat ang batas ng RA9262, madaling proseso, wag nyong hayaan na maging irresponsable ang tatay ng mga anak nyo. 4. Paano kung nagbigay ng kundisyon ang tatay bago magsuporta sa anak? Ang pagbibigay ng kundisyon ng tatay para lang sa pagsuporta ay malinaw na krimen ng economic abuse dahil ang obligation to support ng magulang sa anak ay absolute at hindi conditional. 5. Magkano ba dapat ang tamang suporta ng tatay para sa anak? Walang fix na amount o porsiyento ang suporta dahil ito ay depende sa kakayahan o capacity ng magulang (hindi lamang ng tatay kundi ng nanay dahil ang suporta sa anak ay mutually shared ng magulang) at needs o pangangailangan ng bata. I-compute mo ang estimated na suporta per month ng bata ng ganito: 1) I-compute mo ang basic necessities o yong pangangailangan ng bata sa isang buwan tulad ng food, medicine, education at shelter etc.; 2) I-divide mo sa two ang total monthly expenses ng bata; at 3) Ang kalahati ay obligasyon Republic Act 9262: Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004. #ItoangbatasRPC

ask ko lng Po ksi Yung x husband ko Po nagpakasal sa iba at nagpaalam sakin . sbi ko nlng Po sustentuhan nya Ang Ang mga bata. kaso ngaun sinapahan ko noong January magbibigay dw sya Ng para sa bata Ng 4k a month. netong Feb d magbigay. reson nya bayd utang. march namn lipat Bahay ung pinag kasunduan namin at Hindi nasunod ung sustento. April at ngaung may Hindi na magbigay. ksi my aasikasuhin syang lisensya sa guwardiya. sinasabi nya Rin na Wala syang Pera at puro utang sya.tapos post Ng post sa social media Ng gumagala kung San San. kumakain na masasarap na pagkain. may mga inom sigarilyo pang pinopost at nag swimming pa Sila. tapos sinasabi nya ring Wala syang pagkain pero Ang laking tao nya . Yung sinabi ko n about sa sustento Wala na raw sya trabho. pro noong January lng sya nagsimula. pwede Po bang ibendensya ung mga post nya sa social media na mga picture nya na sinasabi skin na Wala syang Pera.?

Hi mommy. Kahit po walang trabaho ang ama sa batas po nakasabi na kelangan nya pa din sustentohan ang anak niya. Kung pinakasalan ka momsh o single mom ka at di ka pinakasalan ng daddy ng baby mo, kelangan ka pa din sustenohan. Kung nawalan sya ng trabaho kelangan nya maghanap ng paraan kung paano ka sustentohan. Ang amount na ibibigay sayo dapat sapat sa pag alaga ng bata. Mga kelangan ng bata: gamot, at kung pumapasok na, kelangan ng tuition, mga damit at pagkain. Kelangan si daddy may contribution dito para sa anak nya. Puwede kang mag file ng petition sa korte. Tawag dito ay "petition for support". ang titingan ng korte ay ang mga kelangan ng bata, at yun sweldo ng ama. Ngayong wala sya trabaho, ang korte ang dapat magdecide kung magkano ang ibibigay sa iyo para sa anak ninyo.

Hi mommy. Kahit po walang trabaho ang ama sa batas po nakasabi na kelangan nya pa din sustentohan ang anak niya. Kung pinakasalan ka momsh o single mom ka at di ka pinakasalan ng daddy ng baby mo, kelangan ka pa din sustenohan. Kung nawalan sya ng trabaho kelangan nya maghanap ng paraan kung paano ka sustentohan. Ang amount na ibibigay sayo dapat sapat sa pag alaga ng bata. Mga kelangan ng bata: gamot, at kung pumapasok na, kelangan ng tuition, mga damit at pagkain. Kelangan si daddy may contribution dito para sa anak nya. Puwede kang mag file ng petition sa korte. Tawag dito ay "petition for support". ang titingan ng korte ay ang mga kelangan ng bata, at yun sweldo ng ama. Ngayong wala sya trabaho, ang korte ang dapat magdecide kung magkano ang ibibigay sa iyo para sa anak ninyo.

Pag usapan nyo po muna. kasi mahirap din sa posisyon ng ama dahil nawalan siya ng trabaho at mahirap din po makahanap ng panibagong trabaho sa panahon ngayon. Try to reach out your in laws din if walang wala na tlgang maiabot asawa mo, actually try mo din po sa side mo magreach out for financial help and pagkaya mo mamsh dumiskarte like pagbebenta online pasukin mo din po para di makawawa ang anak nyo. Give time muna sa asawa mo na makahanap ng panibagong work, at pag makita mo na hindi siya nag eeffort at more on bisyo, then saka mo kasuhan.

VIP Member

Yes mommy puwede po kayong magsampa ng kaso sa ama niya. Kelangan niyo gumawa ng petition for support sa korte, Titignan ng judge kung magkano talaga kelangan ng bata (schooling, gamot, pagkain, damit, etc) at titignan din nya kung ano ang sweldo ng ama. Ang korte po ang magdedecide kung magkano ang makukuha niyo para sa bata. Kung walang trabaho ang ama, kahit walang trabaho sya, kelangan pa din magbigay. Titignan ng korte ito at sila pa din ang magsasabi kung magkano ang ibibigay ng tatay per month o week.

Pa out of topic po, pano po kung yung tatay maliit lang sinasahod at hinihingi sa isang cut off is 2000? Then 4000 na Po kada buwan. May panilya na po anv guy pero never nya pong pjnabayaaan yung panganay nya Panda driver lang po siya at nag huhulugan ng motor para sa pang trabaho nya. At nag dadadagdag pa ng 600 para sa pang school? Pls help me. Kasi hindi po kalakihan ang sinasahod nya. Its been 1 year na din na ganon ang sistema nila Kawawa lang yung tatay

Paano naman po kung may medical kondisyon yong tatay at pinayuhan ng doctor nya na bawal na syang mag trabaho , need pa din ba mag sustento nag susustento po kami monthly higit pa doon lahat ng gusto ng bata pinibigay namin cp bag sapatos notebook halos kami po bumili lahat kasi may kakayahan po kami kaso ngayon nagkasakit na asawa ko wala na rin akong trabaho dahil nanganak ako . Wala na kaming pang bigay ng sustento sa anak ng asawa ko sa una nya kasal po kami

Pwede ba ako magkaso sa ama na di nagsustinto bsa anak ko ng 13 yrs ...16 yrs old na ngaun anak ko lagi ako nakikiusap na sustentuan nya anak nya dahilan ko nmn napapakain nya nga mga hindi nya anak sa kinasama nya ngaun sarili nya anak di nya mabigyan. Mnsg ko sila na graduating anak nya kahit papaano magbigay sya ng kahit magkano sa pamasahi lang ng anak nya sa school ...sagot sa akin wala daw trabaho ...

Hi mommy, kung biglang nawalan ng trabaho ang tatay ng mga anak mo at hindi siya makakapagbigay ng sustento, may mga options pa rin. Walang sustento sa anak dahil walang trabaho doesn't automatically mean you can file a case, pero kung hindi pa rin siya nagbibigay kahit na may kakayahan siya, pwede kang magsampa ng kaso para sa child support. Mas maganda kung magtulungan kayo para maghanap ng solusyon.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan