33 Các câu trả lời
Yung baby ko nakastroller habang natutulog. Ayaw kase niya sa duyan... I have 2 kids also. 4 yrs. N 2 yrs. Old... hay sobrang hirap... pggising ni baby ng 4-6 am... aasikasuhin ko siya. Then matutulog na yun ng mga past 6. Sa oras ng kanyang pagtulog trabaho ko na lahat. Magluluto nako mg umagahan hanggang tanghalian na yun habang nagluluto naglilinis. Magbanad na rin ng mga damit ni baby. Maliligo n rin ako at ang mga anak ko ng 8. Para paggising niya ng 9 siya na ulit aasikasuhin ko... tas after niyang maligo matutulog ulit siya mga 12na aftee ko mapadede. Dun na kme kakain... tas trabaho ulit. Hay nku jan umiikot mghpon nmin
Ganyan din bby ko ayaw pababa ginawa ko sinanay ko na sa duyan nung una ayaw pero sa katagalan ayun gustong gusto na. Ngayon na 9mos na sya ayaw na niya sa duyan gusto sa crib nalang sya naglalaro o di kaya nanunuod ng cocomelon. Kinakausap ko din sya whenever may gagawin ako para magbehave sya. Minsan nga sya na din nagpapatulog sa sarili niya. Big boy na tlga. Nakakamiss tuloy ihele sya kaso ayaw na niya.. Lahat na ng gawaing bahay lalo pag tulog sya nagagawa ko na..esp. paglalaba. Ilalabas ko yung crib sa tabi ko habang naglalaba sya nasa crib naglalaro..atleast nababantayan ko pa sya habang naglalaba. Hehe
Sinasama ko si baby kahit saan... malaking tulong ang stroller nya kase pagkita naman nya ko di naman na naiyak. Gusto din nya lage karga so mas okay if magswaddle ka... mas madame ka magagawa bonding pa kayo ni baby.. 😊 tas habang naglilinis ka o naghuhugas ng mga bottles nya kinakausap mo... makakatulong un para mabilis din sya makapagsalita... kaya mo yan momsh... minsan lang naman bata mga baby naten. Mas importante sila kesa sa mga gawaing bahay. Pero kaya mo yan diskartehan. Good luck ang God bless. 😊
Yung 1st 2 months ni baby tlga pinakamahirap. As in pagligo hirap ako. Pero mas mdalas nakakakilos ako pag tulog sya. Time management lang mommy, natuto ako mag multitask like habang nagluluto nagtutupi ng damit, or hugas ng plato. Ako din lahat gumagawa dito sa bahay, panganay ko pumapasok pa ng maaga kaya need ng baon for lunch. Sa umpisa mahirap pero matutunan mo din yan once alam mo na sleep routine ni baby. 😊
Ganyan din baby ko momsh pero may time na pinagbibigyan ako kahit 30 mins lang.. sasabayan ko na un ng mga gawain na pwedeng mabilisan tulad ng hugas ng dedehan, mga pinagkainan at pagsasalang ng sinaing. Konting walis din pag may extra pang time. Hindi man matapos lahat ng gawaing bahay pero at least nakakabawas naman kahit papaano.. :)
Pag tulog siya. Usually naglalaba ako gabi na kase tuloy tuloy ang tulog niya. Pag umaga naman tinutulungan ako ng dad ko with the chores. Kapag ako lang talaga hinihintay ko pa siya makatulog para makakilos ako. Minsan pag no choice nasa carrier siya kahit ano gawin ko kasama ko siya
Di ko pa naeexperience Yan momsh sa May pa lalabas si baby.. pero siguro hihingi ako ng tulong sa kapatid o parents ko na bantayan lang saglit si baby para magawa ko Yung gawaing bahay,, 1st time mom lang din po ako, Kaya binabasa ko din mga nagcocomment dito para samga tips
ganyan din ang baby q sa umpisa ayaw nya nang duyan pinilit q talaga katagalan ok na rin naman un nga lang maya2x gising tyagaan lang talaga habang tulogxa nakakapaglaba paq... aq lang din mag isa sa bahay
pag tulog po dun ako gumagawa.. kaso pag minsan naman na mabilis siya magising nilalagay ko siya sa stroller tapos nilalaro ko habang nagluluto or naglalaba.. then pinapakinig ko ng children's song..
Pag tulog si lo saka ako gumagawa ng household chores. Laba, hugas ng pinggan, luto, at maglinis ng bahay. Good timing lang talaga after ko padedehin at i burp si baby nakakatulog na siya