Normal po sa first few weeks na masakit talaga ang pag breastfeeding. Pero try to observe proper latching po mommy, para hindi ka mahirapan at masaktan. Meron po mga videos or tips sa FB at YT about sa proper latching. Kain ka din po ng masasabaw na ulam, malunggay, milo din po accdg to other mommies, inom ng maraming tubig. Makakatulong din po ang mga Nipple cream/balm. Tapos po wag masyadong ma stress sana, para hindi din maaffect ang milk supply. 😊 As long as may poop at pee naman po si baby, no need to worry kasi it means sapat ang supply ninyo. Kasing liit palang din kasi ng calamansi ang tyan nila, kaya ganun din po karami ang sinusupply na milk. 😊