16 Các câu trả lời
hello sis, less salt ka po muna and stay hydrated. tska iwas po nakastay isang position for long periods of time like standing and sitting down. if possible po at nakaupo, taas nyo po paa nyo kahit hindi po sobrang taas basta po elevated yung paa para di po mag pool down yung tubig sa katawan nyo. pag napagod din po at nagpahinga ka, elevate mo din paa mo. :) and sabi ng mama at mga tita ko, kain ng monggo. if manas ka pa din sis, check with your OB, baka kelangan imonitor ng BP mo sis at may ibigay sayo oral medication para iwiwi mo yung excess water na naretain.
taas mo po yung paa mo lagi, kung maari sa pader mo sya itaas or pag tutulog ka kailangan nakapatong sa unan yung paa mo, proven and tested ko po yan kase nagtuturo ako nung preggy ako so lagi akong nakatayo kaya yung water sa katawan ko nababa sa paa kaya namamanas ng sobra kaya ang ginagawa ko everytime na magpapahinganko laging nakataas paa ko pero ako sa pader ko talaga tinataas mga 20-30 mins akong naka ganun.
33 weeks na ako pero ngayon palang ako namamanas. Pero nawawala din naman manas ko left side ako lagi natutulog tas nakaelevate paa ko sa wall pagtulog. Then lakad lakad lang
Lakad lakad lang talag then pag natutulog po lagi po dapat naka elevate yung paa natin. Ipatong sa unan ng yung flow ng blood natin maayos pa din nagcicirculate :)
Wag kakain ng maalat at mga deli meats like hotdogs ham bacon ganun.. Tas drink more water, kilos din and kpg nakaupo lagi nakataas ang paa
Walking sis avoid sa salty food then pag naka upo or higa naka elevate po paa and drink more water atleast 3liters everyday
Sabi nila walking. Araw araw naman ako naglalakad as exercise, namanas pa din ako. Mga 2 weeks ata bago ako nanganak.
Walking. Morning and afternoon. Tapos i-elevate mo paa mo using pillow kapag matutulog.
yan din problema ko mommy. 30weeks nko at nong monday lang ako nagstart mamanas 😥
maglakad lakad po kayo at less salted para hindi lumalala manas po