Bakuna ngayong pandemya
Paano po ang schedule ng bakuna ninyo sa inyong mga pedia ngayong pandemya? Regular pa ba kayong nakadadalaw sa inyong pedia? #bakuna
By appointment momy saka usually 2 lang kasabay namin sa loob ng clinic. Also, ayaw ng pedia namin tumanggap ng may sakit sa private clinic niya so iwas hawa rin sa covid or any sakit na nakakahawa. Walking distance lang din kaya okay na okay kami. Di na kami nagtatagal sa clinic. Loyal kami sa schedule kasi ang iniiwasan ko ung tuturukan si baby ng 2 beses to catch up. masakit kasi lalo na pag 2 tusok. di naman nilalagnat si baby kaso iniiwasan ko ubg fussiness niya pag may nararamdaman.
Đọc thêmas scheduled pa din po ang pedia visits namin this year. it helps na wala sa hospital ang clinic ni dra, within the neighborhood kaya malapit lang and malalapit lang din patients nya, we received text if pwede na kame pumunta. 😊
mas mahirap talaga ngayon pero mabuti malapit lang pedia namin. tapos unlike dati na kahit last minute pwede kami mag-walk in, ngayon kailangang magpa-sched ahead of time kasi limited patients lang ina-allow nila
Hi Mommy, si pedia po ang nagschesched ng vaccine ni baby. And sinasabi namin if hindi kayang pumunta nina Baby kaya nirereschedule.. Tinatantya namin kasi namin pag madami o onti ang cases ng covid.
Sa Health Center po ako nagpabakuna sa anak ko. Kailangan magpa schedule muna doon bago dalhin ang anak para iwas crowd po. Sa pedia naman po, by schedule din para di magkasabay sabay at iwas covid.
unfortunately hindi kami nakakadalaw physically kay Pedia unlike before pero kausap namin siya madalas thru viber. updated bakuna ng babies kasi may drive thru bakuna effect si pedia hehe
Sa amin meron pa rin sa health center. Convenient sya kasi same schedule every week for well baby. Then sa pedia naman, we had the number of her clinic kung saan tumatawag to schedule.
hello mommy, for us since 4 na si baby ko booster na lang dapat. kaso our Pedia is stuck in the province. so we are looking for a temporary pedia para we can update na his Flu Vax. ❤
Sa barangay health center lang kami nagpapabakuna dahil mas malapit sa amin. medyo nadelay kami noong una pero ginawan namin ng paraan maihabol para dagdag proteksyon kay Lo
Nagstop din po kami last year, pero nakapagcatch up na po this year. Just in case madelay dahil sa pandemic ok lang po na magcatch up as soon as available na po