10 Các câu trả lời

VIP Member

i feel you po pero dhil na sabi nio n din na nag pulis sia mag file po kau sa crame i think pra hati po kau sa sasahurin nia para fair dhil na din po nag pulis sia pra na din po sa anak nio po be practical na po tau mommy ksi di na mawawala sa mga lalaki mag loko man sia ulit atleast si baby nio secure na ang gastosin po. file kapo kasal man o hindi. ako po buntis now sa bf kong pulis pag once na mag loko sia ulit naka ready na ang pag file ko pra sa sustento sa anak.namin dhil marami na siang history sa panloloko skin 💞 kya mommy kung d sia mag titino aba ready mo na mommy mag file para sa susteno sa inyo mag ina. pulis pa nmn din sia

salamat momsh sa advise

Ang taong babaero sis di na kailanman magbabago. kasi gawain na talaga ng isang babaero yan . isang beses gawin then kapag binigyan ng second chance . tapos naulit ulit never nayun magbabago . so payo ko lang sis . kayanin mo lahat ng pagsubok mo ngayon . malalapagsan mo yan pray kalang kay god at alagaan mo maigi baby mo . lalaki lang yan masakit tanggapin kung hhiwalayan mo sya at walang kilalanin ama ang iyong anak sis . kasi ko ganyan nangyari nkpghwalay ako at sabi ng parents ko gawa nga babaero un lalaki so ayun nakayanan ko naman then nakapag asawa ko ulit . so 3 na kids ko ngayon sis

VIP Member

you deserve what you tolerate. hinayaan mo sa umpisa nasanay sya. Ldr paman kayo. hayaan mo nalang kung kaya nyo ayusin ayusin at kung kaya nya tigilan tigilan nya na. wag kana magpaka stress. mas isipin mo nalang baby mo. tapos ska kayo magtuos kapag nakaraos kana. mamaya ano pang mangyare sa baby mo. tiis lang. kaya mo yan. tiwala nalang sa Diyos. ipagdasal mo nalang. sya naman nawala hindi ikaw

Move on po. Kaya mo yan mommy. Ako binitawan ko tatay ng anak ko kasi di nya kaya bitawan ung babaeng kaibigan nya na nakaasa sa kanya. Sabi ko lang sa kanya alam nya san ako hahanapin kasi kilala naman sya sa bahay. Masakit pero kailangan tanggapin kesa habang buhay mo pahirapan mo sarili mo evertime na nasasaktan ka dahil sa kanya. Im 19 weeks preggy btw.

Kausapin mo sya mumsh and then sabihin mo sama ng loob mo sakanya. Ganyan din ako sinabi ko sama ng loob ko sakanya pero di ko sya sinaktan pisikal. Ilang months din ako nag tiis pero hindi pwede mag pa stress at Baka pati si baby madamay sa tiyan ko. Awa ng diyos lalabas na sya sa February at okay naman si baby.

Kung bf hingan mo n lng sustento. then matuto k n lng sa pag kakamali mo.. move forward na. hanap k work na maayos. malay mo makilala mo din mgging asawa mo dun.. un nga lng wag mo n ulitin pag kakamali mo..wag kna mag papabuntis agad ng d mo tlga sya nkikilala ng lubusan, pag niloko kna ng minsan wag kna papaloko ulit.

tama yan sizt, pasustento ka na lang kesa naman lagi kang maghinala, masestress ka lang, pag kasi nagkalamat na ang trust mahirap nang ibalik sa dati

mas ok kng mag usap kau mommy lalo n sa kalagayan mo..dapat alam nya sa sarili nya na may responsibility na sya at mgkakapamilya kya dapat hnd na nya ginagawa ang ganyan..pag usapan nyo ng maayos..

Kung di kayo kasal wag mo ng ipagpilitan sarili mo sa kanya kasi hindi rin naman sya worth it to fight for pa. Pero pwede mo syang habulin para sustentuhan yung anak nyo kahit di kayo kasal.

Maiistress ka lang sakanya mommy pag pinili mo pang mag stay kahit niloko kana. Piliin mo magkaroon ng Peace of Mind mommy.

ndi po maganda kay baby na mastress ka.. better kung kausapin mo po sya

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan