55 Các câu trả lời
Mommy... sana maintindihan mo.. na nag aadjust palang si baby.. being in your arms is the safest place for them kasi naririnig niya yong heartbeat mo. para sa kanila pag naririnig nila tibok ng puso mo. alam niya na kasama niya ang mama niya na mag proprotikta sa kanya. mami.. wag ka po magpadala sa galit... oo mami nakakapagod. but always remember na dadaan lang yan.. and darating rin ang panahon na hahanapin mo yong pagkakarga sa kanya. another thing rin po. just check baka may dinadamdam rin si baby na sakit nya na siyang hindi nakaka komportabli sa kanya.. mami last thing.. if your tired and mad. just pause. inhale and exahale and think wisely... addition rin mommy.. you can research possible situations after giving birth about sleeplessness... maybe you will understand and lighten your mind about the situation you've been through right now... # bestrong.. 🤱❤️
dumaan po ako sa ganyan. ang itinatak ko sa isip ko ay yung “hindi habang buhay baby sya” ganyan po halos lahat ng mga new born. ganyan di po ako na feeling ko ako lahat. okay lang siguro na obligahin mo po yung asawa mo na sya naman kahit pagod sya sa trabaho. kung naiintindihan nya po sitwasyon mo. pero kung hindi naman ay wag na lang kasi baka dumagdag stress pa pag nag-away kayo. isipin mo na lang hindi sila forever na baby. last year lang ako nanganak dumaan pa ako sa mga puyat na puyat pero di pa rin dinadaanan ng antok. as in gising na gising kahit si baby tulog natulog na. iiyak ako hanggang madaling araw tapos mamaya 6am ako na lang maiiwan sa anak gising pa rin ako maghapon. lahat na ata ng sakit ng katawan ko naramdaman ko na. nakakapraning. pero mommy kapit lang malalampasan mo rin yan. basta tandaan mo minsan lang sila baby.
Mami tulungan mo SI baby Kailangan nya ng tulong mo kapag gusto nya matulog tulungan mosya matulog Mami Ikaw lng Ang inaasahan ng anak mo Ako Mami umaabot Po Ako sa puntong ganyan na sobra akong naiinis pero sa tuwing iniisip ko na Kailangan ng tulong ng anak ko, nawawala ung inis ko Mii , tpos bigla ung isip ko Ang goal ay mapatulog ko SI baby at tulungan , UN lagi mong isipin Mii Ikaw lng inaasahan ni baby syaka lagi mo isipin na Ngayon lng to hndi habang Buhay baby sila darating ung time na , magiging independent na sila hndi na kakailanganin ung tulong ntin, kaya this time Mii lubus lubusin ntin Kasi ung mga ganyang moment mamimiss Po ntin Yan. mahirap mag alaga tlga ng baby kapag Ikaw lng mag Isa pero punong puno Ang puso ntin Kasi sa Bawat pagod na pinag dadaanan ntin worth it Po lahat ng Yan.
Mag deep breathing ka. Matulog at kumain ng maayos para kumalma ka. Noon nung ganyang stage pa anak ko ako din lahat. Ang ginagawa ko Pag naaaburido na ako sa baby ko after ko sya patulugin nagpapahinga din ako. Para may lakas ako Pag nagiiyak nanaman. Hayaan mo na muna mga gawaing bahay kung di kaya lahat. Maasikaso mo din yan. Iyakin tlga sila Pag ganyang stage. Try mo din sya iswaddle para comfortable sya. Try mo din magpatugtuog ng music or mga sound effects like dryer, washing machine sound effects ganon, my app dati dito mga music and sound effects Ewan ko if meron pa. Kaya mo yan. Habaan mo lang pasensya mo matapos din yang stage ng pagigigng iyakin nila Tska nararamdaman nila Pag galit tayo kaya kalmahan mo lang at mag pray ka. Kaya mo yan inay!
isipin mo nlang mi na ngayon lang sila baby bilis lumaki ng bata nung una ganyan den ako postpartum depression pero lagi kong iniisip na kapag malaki na sila di ko na sila mababy ng ganto at isipin mo den madaming gusto magkaanak na di makabuo tapos ikaw biniyaan sobrang blessing po natin kasi may baby tayo sa tabi naten wag mo kalimutan pag iyak ng iyak si baby hinga ng malalim relax mo isip mo tapos alalahanin mo yung hirap sa pagbubuntis at pnganganak ngayon ka pa ba susuko dati nung nasa tiyan gusto mo na makita di ka makapag hintay tapos ngayong nasa labas na sya magagalit at maiinis ka lang nararamdaman ka ng anak mo pag galit ka iiyak ng iiyak lalo yan kaya lagi kang kumalma danas ko yan pero may nag sabi den sakin ng ganto share ko na den sayo
naku mhie, may mga bata talagang ganun. Si 2nd baby ko ganun din kahit busog iyak ng iyak. habaan mo lang talaga pasensya mo mhie at di masama magpatulong sa asawa pag di na talaga kaya kasi kahit pagod sa trabaho need din niyang tumulong. kahit pa sabihin nya pagod sya sa trabaho, ikaw din mhie pagod din sa buong araw na pag aasikaso sa anak nyo. baka din may nararamdaman si baby mas maiging magpakonsulta sa pedia for more tips kung bakit sya ganun. baka kasi di sya comfortable kaya sya iyak ng iyak. sakin kasi dati ganun din eh pero napag uusapan naman namin nang asawa ko na palitan kasi kaming 2 naman gumawa nun so walang isipan sa obligations sa bahay. kawawa kasi yung baby sobrang fragile pa talaga yan sila.
Mi si baby ko almost 2 mos na din at nabasa ko na nasa peak sila ng pagiging fussy pag tipong pakiramdam ko napapagod na ko antok na antok iniiyak ko na lang po wala din naman mangyayari kung ibubuntong natin kay baby ung pagod at puyat natin and then hanapin nyo ung reason bakit sya ganun exclusive BF kasi si baby then pinag vitamins na sya ng pedia after that naging fussy sya iyak ng iyak umaabot kami sa madaling araw bago sya makatulog ng mahimbing then one time nagdecide na kami mag mix feeding after that night ayun ang sarap ng tulog nya gising man siya sa gabi pero d sya naiyak more like bonding time pa namin un . kaya pala sya naging iyakin is because di sya nasasatisfy sa nakukuha nyang milk sa breast ko
napansin ko rin yun simula binigyan sya ng vitamins sobrang lumakas sya na halos 1kilo nadagdag skanya less than a month and dun din sya nag start na sobrang maging iyakin.
More patience lang mi mag iiba din yan si bby isipan mo nlng na ginusto mo magkaroon ng bby at tngnan kung gaano ka kabless nung dumating sya ako kasi pag super iyak si bby pag gabi hindi galit yung nararamdamn ko kundi awa sa kanya na dapat eh rest nya pero iyak parin ng iyak.Baka na initan po? Try mo eh half bath before sleep at haplasan ng manzanilla though d inaadvise ng pedia ni bby mag haplas ng manzanilla pero pag super iyak si bby ginagawa namin. Ma swerte lang ako kasi husband ko tnutulungan ako mag alaga ky bby dalawa kame my work pero tulungan lang since dalawa lng nmn kame sa bahay pg nasa office ako sya nag aalaga hanggang 5:30pm.Laban lang mi 💪
Ganyan po talaga. Mahaba haba pa po ang pagdadaanan natin. Ako noon sa sobrang frustration iniiyak ko na lang talaga. Yung asawa ko kahit may trabaho pinipilit niya na tulungan ako sa kahit anong paraan. Ganyan po dapat. Hindi po porke nagtatrabaho siya hindi na tutulong sa pag aalaga. Sa pag aalaga palagi mong isipin na ikaw ang may dahilan kung bakit ka nagka anak, di naman yan ginusto ng anak mo kaya wag ka mag iisip ng hindi maganda tungkol sa kanya. Walang malay yung bata kaya gawin mo ang lahat para maging maayos siya. Iiyak at iiyak yan, ibigay mo lang ang gusto kasi dun niya mararamdaman na hindi siya nag-iisa.
pag iyak ng iyak ang baby may gusto yan * pwedeng nilalamig / or naiinitan. * nagugutom * nag lalambing ( kargahin, ihele para makatulog) * need ng yakap mo * gusto kang kausap ( ang baby kahit ganyan pa sila gusto nila un kinakausap sila un pinapadama mo at sinasabi mo sa kanila kung gano mo sila kamahal.) * basa ang diapers * masakit ang tyan( may kabag, ) * pwedeng may bumati kay baby at pwedeng may umaaligid sa kanya na taong di nakikita. * Gusto dumighay ( if busog naman pero iyak ng iyak.) ilan lang yan sa Factor kung bakit iyak ng iyak ang baby sa gabi.
Naiiwasan po ba yung umaaligid na di natin nakkita. One time kasi, iniwan ko baby ko kasi nag CR ako, alam ko mahimbing tulog nya nung iniwan ko. Pero nung nasa CR ako, rinig ko ang lakas ng iyak nya, biglang nagising 😳
Shania Divino