Do you still remember?
Paano ka dinisiplina nu'ng bata ka? Gagawin mo rin ba ito sa anak mo?
makita ka sa tingin hahaha gigisingin ng maaga para mag saing, bawal ma late magising pwera nalang kung my sakit ka. sabunot, kurot, palo kung ano mahawakan🤦♀😅 pero dahil jan nadisiplina kami ng kapatid at natuto sa bagay.bagay. Pag sinabing walang lalabas wala talaga haha kasi paktay kay momzila😅 si papa ang nang spoiled pero iba magalit kasi mabait mas nakakatakot😁
Đọc thêmHindi po , kasi gusto ko na mas maayos at maging mas maganda ang pagdisiplina ko sa magiging anak ko ,ako kasi nun bata pa ako kapag makulit ako kinukulong ako sa kwarto or cr , tapos naranasan ko ring mapalo gamit ang kung anong mahawakan nila hehe ayaw kong maranasan yun ng baby ko , sabi kasi nila mas magloloko ang bata kablpag mas naging harsh ka magdisiplina
Đọc thêmMama ko disiplinarian yun. Kung hindi man pinapalo, sa sermon! Kahit strikto sila noon, atleast hindi kami naligaw ng landas. Kung sa panahon ngayon, baka hindi na siya effective since ang mga bata sa panahon ngayon gagawa at gagawa parin ng paraan makuha lang gusto! Maybe babalansehin ko yung paraan ng pagdisiplina ko sa magiging anak kom
Đọc thêmYes! Lumaki ako sa pagdidisiplina na may kasamang palo. At masasabi kong proud ako dun. 😊 90's baby.🙋♀️ gagawin din namin mag asawa yun sa anak namin, pero hindi aabot sa point na matotruama na yung anak namin dahil sa way ng pagdisiplina namin sakanya. It's a matter of good conversation pa din.😊
Đọc thêmGulpi talaga kung gulpi. Uuwi akong late, may salubong na sampal. Papaluin ako hanger, hawakan ng walis Tambo, sabunot. Kaya takot ako sa parents ko dati. As in nagkakapasa ako at sugat. Ngayon ang mga bata sa generation na to is walang kinatatakutan, mga sensitive na masyado at spoiled, palasagot pa.
Đọc thêmStrict parents namin. Example, hindi kami basta basta pinalalabas, may oras ang labas. Aral muna. Hmmm. Gusto ko rin gawin sa anak ko, pero yung iba lang. Kasi ayoko naman ng sobrang nasasakal yung anak ko sa pagdidisiplina ko. Gusto ko lang maayos at mabuti syang lumaki ☺️
Palo, kurot. Minsan pag hindi talaga kami masaway ng kakambal ko, may lilipad na tsinelas. If sa anak ko, mapapalo pero of needed lang. I'm trying to talk to my child in a way na maiintindihan nya kahit papano kung bakit ko sya pinagalitan. Pagtitiyagaan hanggat kaya.
masasabi kong strict pero binibigay naman nila lahat ng kailangan namin magkakapatid. siguro ganun ko din palalakihin si baby pero mas tutok at full support sa magiging hobby nya.. OFW kasi papa ko nun kulang quality time. Ngayon full time mommy na ko para bawi bawi.
wag sigawan dahil lalo lang titigas ang ulo ng bata pag sinisigawan.ganun ang sabi ng magulang ko sakn.kausapin ng mabuti at ipa intindi ang mali.paluin kung sobra pero hnd masyadong bugbog sarado.ung maramdaman lang ung sakit at ma realize na mali xa.ganun po
strict ang magulang ko sken pero hndi nmn sobrang strict yong nasa tama lang at wasto nong bata ako hanggang magdalaga kasi nag iisang anak lang ako kung ano ung natutunan ko s magulang ko yon din maiaply ko.maganda din ihimplo ung natutunan s magulang