29 Các câu trả lời
let me share.. at first, hindi type ng family ko ang napangasawa ko.. kasi undergrad si hubby at licensed professional naman ako.. but personally, hindi big deal yun sakin.. 1st, nasa kanya yung katangian ng maaruga at magalang na husband. mas magalang pa siya kaysa sa akin sa magulang ko.. which mararamdaman mong hindi lang in-laws ang turing nya sa parents ko but like his true parents. 2nd, masipag siya. pursigido. naisip ko, if nagkakilala kami at nagkataong graduate siya, mas o kasing pursigido kaya siya kung paano siya ka pursigido ngayon? 3rd, hindi siya kakikitaan ng angas o kayabangan, not because hindi siya graduate but humble lang talga.. to cut it short, for me he has a lot of potential. so isa rin ako sa nagpursuade na kumuha siya ng degree.. ako ang nagtatrabaho and silang dalawa ng anak namin ang nag aaral.. then he graduated after 2 years. yes, yung mga exes ko, may own business, may mga naipundar ng properties. but looking at the bright side. magkasama kami ng asawa sa pag angat o pag achieve ng mga bagay bagay.. kung kelan kami tumuntong ng 30s eh mas naging matibay at sweet pa kami sa isat isa. sweeter than the time na naging mag asawa kami. in your part, hindi mo man matapatan ang degree ng mga naging ex niya, bawiin at daigin mo sa pagiging mabuting asawa. mas maging malambing, maasikaso, mahinahon sa kilos at pagsasalita.. personality weights much than any degree.. and, personally, ako mismo kumakarenyo sa asawa ko.. hindi ko siya binibigyan ng dahilan na maghanap ng iba. and last but the most important, ikapit mo sa dasal at sa Diyos ang relationship nyo... mastitibay ang pagsasama kapag kasama nyo ang Diyos sa relasyon nyo.
Actually mii, wala naman sa degree yan. You have a job, no matter what it is, still u are earning money, same with them 🙂 For me, swerte nang husband mo sayo, kc as what u have said na nakikitira parin kau sa parents nya, still u are on his side. Hirap nang ganyang lalaki, degree holder nga, pero puro plano lang wla sa gawa.. Associate grad. din ako, wlang LANG, proud ako jan 😊 aside sa my rason ako why I didn't finish till 4 yrs, my proper work naman ako, most of my colleagues are degree holder... My partner nga, elementary lang, dpa nka graduate, but mas pursigido pa na matupad yung mga plano namin 😉 we have sum of the things na NEED sa bahay, we are living temporarily sa sa maliit na bahay near his mother's house, under construction pa yung house namin🙂 All I wanted to say, don'tbe insecure, wla naman magagawa ang degree kung tamad ang tao... Talk to ur partner about ur concern, communication is a must sa RS... It's up to u how u will handle his response na.. either he will change or think u r being paranoid.. mahirap ang lalaking ganyan mii, tayo ang kawawa. Base na rin yan sa experience ko sa parents ko... puro plano lng yung papa ko wla sa gawa, even until now...
mamsh, wala sa natapos mo yan mamsh, wala sa estado o katayuan mo sa buhay. Nasa isip mo lahat. It's how you think of the situation. There are always two ways mamsh, pwedeng negative (tulad ng pagiisip mo ngayon) o positive (isipin mo out of all the inferiorities you've mentioned ikaw pa rin ang kasama nya ngayon. Ikaw ang pinili, ikaw ang hindi hiniwalayan). Mantakin mo, engr at teacher yun hiniwalayan nya at ikaw na call center agent na hindi naman fluent mag english ang wifey nya oh di ba panis sila. May nakita ang asawa mo sayo na hindi nya nakita sa exes nya. So don't think that it's all about degrees and what not. Walang ibang magaangat sayo mamsh kundi sarili mo. Believe in yourself 😉
minsan yan din iniisip ko mahirap lang din kami, bf ko teacher sya sa public . exes nya is professional alam nyang selosa ako pero kinakausap nya ako na wag ganun mindset ko kasi ddaw maganda. tas buti nalang inuuna nya kami nang magiging baby pears namin. nakikita ko na magiging isang mabuting tatay sya kasi laki din sya sa hirap pero naging maganda buhay nila sa sipag nang kanilang magulang ayaw nya daw maranasan yung naranasan namin nuon kaya nagsusumikap sya tapos narin nya masteral kaya im so thankful maganda mindset ni asawa ko. matured na sya. kahit kinakainisan ko sya every morning tinatawanan lang sko sa moodswing ko siguro dahil sa pagbubuntis ko narin to.
Wag ka mag stalk para di ka ma insecure..ikaw ang pinili.at wala yan sa degree.ako nga may masters din at dating mataas position at malaki sweldo nagawa pa ng mr na makipagchat at landian sa chat sa isang estudyante na later nalaman ko parang rape victim ung girl tapos ako first and only bf ko si hubby and 10yrs kami mag gf/bf bago nagpakasal pero nagawang makipag chat sa iba..so, wala yan sa edukasyon o natapos o mukha.alagaan mo na lang siya at gawin mo best mo ma inspire siya to strive para sa future niyo at di niya maisip ung exes niya.😅
kung ganyan nafifeel mo, tanungin mo hubby mo bakit ikaw ang napili nyang pakasalan, tapos kung wala pa kayong anak mag aral ka ulit .. suggestion lang yan .. sa totoo lang wala yan sa degree holder, nasa pagalingan ng diskarte sa buhay yan . Maaaring degree holder nga sila pero hindi makasundo sa ugali ng hubby mo yang mga exes nya kaya nga sabi nya sayo sya ang nakipag break diba .. tsaka napapaisip din yung mga ex ng hubby mo sayo imagine degree holder nga sila pero nakipaghiwalay pa din hubby mo sakanila.
wag ka na magstalk sis. may kasabihan nga na wag mo hahanapin ang sarili mong multo. di ako sure kung tama ung wording pero parang ganun. wag mong hanapin ung ikasasama ng loob mo kung in the first place naman mukhang wala na din naman kay hubby yun at nakamove on na sya. 😊. tsaka may degree nga sila at maganda ang buhay, sino naman pinili ng husband mo makasama habang buhay? diba ikaw? ibig sabihin di un ang basehan nya. may nakita sya sayo na di nya nakita sa mga ex nya. don't be too hard on yourself.
count your blessings sis. wag mo silang titignan para di ka mainsecure. akala mo lng okay sila pero bawat tao may problema, call center agent rin ko na di fluent pero winork on ko sarili ko, promoted na ko. ngayon lng yan sis. things will change, tiwala sa Lord unang una, may mga insecurities rin ako s mga exes pero, ang isip ko lagi, kasama ko asawa ko, ako kasama nya ngayon at importante na mapagusapan nyo yan ng asawa mo, magkaron kayo ng open communication para maggrow kayo as one. God bless!
Hugs! Your feelings are valid but remind yourself a million times na you are worthy. Every inch of you. May kanya-kanya tayong timeline sa buhay. If that’s what you feel right now, take it as motivation to strive harder. It’s not too late for you to reach what your heart desires. If feeling mo they are lucky in life, make your own luck. Pinili ka pa lang niya is a big win. Now if you feel na hindi lucky si hubby sayo, stop impressing him. Impress yourself. It’s never too late mommy. ☺️
In my opinion baka ang dahilan kaya siya nakipag break sa dalawa kasi superior sa kanya when it comes sa career and goals, baka mas prefer niya submissive wife na hahayaan siya sa mga gusto niya. Try niyo po maging firm and clear sa feelings mo, wag ka mainsecure, atleast ikaw may hanap buhay unlike naman sa degree holder mong asawa. Wala sa educational attainment yan nasa dedication mo kung pano mo mapapaunlad pa ang iyong sarili. Maraming successful na walang tinapos, nasa pagsisikap yan.
Anonymous