REMINDER FOR PARENTS TAKING THEIR CHILDREN TO THE DENTIST

HELLO PA-RANT LANG. PLEASE, wag ninyo gawing panakot ang mga dentista sa inyong mga anak like, "Bahala ka, papabunutan kita ng ngipin kay doc." or "Gusto mo malagot kay doc? Masasaktan ka!" PLEASE. Bukod sa it creates trauma to your children psychologically, it will definitely make your children not want to ever be touched by the dentist and OBVIOUSLY, kayo parents ang mahihirapan lalo na when they need their dental check-up. Be mindful din please because it's very stressful for the dentists. They can only do so much pero to discipline and educate your children is majorly on your part as their parents. Educate them. These days, dumadami ang incidence ng poor oral health sa bata pa lang! Maawa kayo sa mga anak ninyo na at age of 5-7 years old nakakaranas ng bunutan ng ngipin when it's not yet the right time for the tooth to go. Another thing to keep in mind is, when children experiences EARLY TOOTH LOSS this might or possibly lead to Teeth Crowding o Pagkakasungki ng ngipin. Think about it my dear mommies, think about the expenses in the future. The GASTOS for Braces. Also, hindi lang natatapos dyan. Yung pain na mas gustong tiisin ng anak niyo kaysa umupo sa dental chair! Let us have a LONG-TERM mindset. Educate and take care of your Children's Oral Health. Your children doesnt spend an entire day inside the dental clinic. Teach them and help your dentist to set in their minds that Doctor Dentists are not monsters. Okay? =) Payong kapwa mommy lang po. I had enough of this one parent earlier kasi.

REMINDER FOR PARENTS TAKING THEIR CHILDREN TO THE DENTIST
1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

anong age po dapat pinapaconsult sa dentist ang bata? =)

5y trước

Pwede as early as 6 months-1 year old after tubuan ng primary teeth. Para na rin maassess ang growth niya and magkaroon na ng early oral health care tips from the dentist like iwasang makatulugan ng bata ang tsupon sa bibig lalo na kung may milk para maiwasan ang pag decay ng ngipin. Wala masyadong nakakaisip na ipacheck ang mga baby nila sa dentist, syempre sa pedia sila unang pupunta kaya meron tayong pedia dentists na nagsspecialized sa mga bata. Okay din na kapag nabuo na ang complete set ng primary teeth ng bata na age 2 1/2 to 3 years old para mas kampante na kayo :) Hindi ko to sinasabi para lang may pagkakitahan ang mga dentista, totoo po ito. Kung afford ng magulang na ipacheck ang anak nila, why not po diba. Di naman madalas yan.