Pa-rant lang mommies. Sorry nagiging emotional lang ako. Kahapon pumunta kami Fabella para magpa check up. Understandable naman yung matagal at mahabang pila sa labas. Kaso eto na nga, nung turn ko na sa OB medyo di ko nagustuhan mga sinabi niya. Pinipilit niya na 34 weeks na ako based on my LMP. Kaka 27 lang namin kahapon based sa ultrasounds. I explained na 2015 na-diagnosed ako na may PCOS kaya nagiging irregular ang menstruation ko. Di niya pinakinggan yun. Pinipilit niya na 3 weeks na lang manganganak na ako. Wala naman problema sa akin kung manganganak ako maaga kaso di kaya sa kapipilit niya baka premature si Baby pag lumabas? Kaya paglabas ko ng OB room kahapon muntikan na ako atakihin ng panic attack (I was also diagnosed na may MDD and GAD last year and nagte-take ako ng maintenance pero tinigil ko after we found out na buntis ako). Buti na lang I have my husband with me kahapon. Kinocomfort niya ako na wag akong masyadong paapekto sa mga sinabi sa akin. Ano po ba dapat sundin when it comes to my case? Yung LMP o yung sa gestational age ng Baby ko based sa ultrasound? ?
Anonymous