Hugs po Mii, hindi mo deserve na itreat ka ng ganyan ng asawa mo. Ganyan ang parents ko mii, lalo na sa part ng father side. Ganyan na ganyan siya. Kaya never ako naging malapit sa kanya. Ganyan na ganyan din, lagi niya sinasabihan si mama na lumayas na. Naalala ko bata pa ako nun, grade school din, sinabi ko talaga sa mama ko na okay lang kung hihiwalayan niya papa ko. Kasi kahit bata pa naiintindihan na din yung mga ganyang bagay bagay. Siguro nananahimik lang mga anak mo pero affected na yan sila.
Ang galing mo nga e, ikaw halos lahat gumagawa kahit may 3 mos old baby ka. Siguro kung ako yan di ko kakayanin hahahuhu. Tapos ganyan pa mga sasabihin niya sayo. Hindi porke full time housewife ka, ganyan kana nya itreat. Tapos mananakot pa ng palalayasin, akala mo hindi ikaw yung asawa. Try mo po ulit kausapin, pag hindi makausap nang maayos, layasan mo na lang. Siguro after school year para hindi affected pag aaral ng mga bata.
Ang effect sa akin nung nangyari sa mama at papa ko, naging maingat ako sa pagpili ng lalaki. Yung opposite talaga ng papa ko ang hinanap ko sa lalaki. As in pati immediate family niya, pinakiramdaman ko kung legit ba yung kabaitan na pinapakita sa akin ng parents niya, yung ate niya medj masungit pero oks naman kami, gets ko ugali niya. Pati mga kaibigan niya chineck ko. So far okay naman, ngayun yung partner ko ay focus lang sa pagwowork. Tapos sa gawaing bahay halos siya lahat since buntis ako ngayon. Laba, linis pati pagluluto minsan. Nakatira kami sa bahay ng parents niya, pero simula nung malaman namin na buntis ako, yung dating manukan ng papa niya kinonvert into bahay, tas sila pa ang bumukod.
Anonymous