Pa rant lang po, Nakikitira sa bahay namin mga pinsan ng lip ko. Mga parasite

Pa rant lang mga mamsh since stress na ko and Hindi ko alam Pano ilabas tong inis ko sa mga kamag anakan ng lip ko na Nakikitira samin na daig pa parasite, 9months pregnant na ko ngaun. Yung bahay na tinitirhan namin ngayon is sa lip ko at nakiusap ung mama Niya na patirahin muna ung mga pinsan niya (tatlong magkakapatid) dito samin, yung age nila mga nasa 30+ na so mga matatanda na at may mga trabaho naman. Okay lang Sana, Ang problema Nakikitira nanga lang sila akala mo mga boss amo kung umasta, mga Hindi marunong makisama. Kahit maghugas ng pinagkainan nila Hindi pa magawa, yung isang pirasong plato, kutsara at tinidor nalang Hindi pa mahugasan parang may katulong na sumusunod sa kanila. Tapos yung isa nag uwi ng gf dito Kasi buntis din daw dito muna daw makikitira (pansamantala?) Yung lip ko kahit ayaw Niya, Hindi Niya matanggihan yung pakiusap ng mama niya. Parang kami pa nag aadjust sa mga ugali nila. Kumuha ako ng Yaya Kasi malapit na ko manganak para may kasama kami ng lip ko na mag alaga sa baby ko,. itong mga pinsan ng lip ko akala siguro para sa kanila ung kinuha ko na Yaya. Sobrang kakapal ng mukha. Libre nanga sila lahat dito bills, pagkain pati sa budget namin kasama pa sila .. ang tatamad naman kumilos sa bahay. Mga Wala nanga ambag pati nagdala pa ng gf ung isa palamunin din kahit maghugas Hindi rin magawa. Kala mo mga senyorita. Sarap ingudngud sa lababo. San po kaya sila humuhugot ng kapal ng mukha? Sobrang bait ng lip ko Hindi Niya mapagsabihan yang mga kupal niyang pinsan kasi ayaw Niya magalit mama Niya, pero iniipon Niya lang din yung inis Niya at pagkabwisit niya sa kanila. Hindi ko na po alam gagawin ko. Mukhang Wala sila balak umalis dito dahil libre nga lahat. Parang Wala silang mga hiya🙄

40 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Wag nyo po akuin lahat ng responsibilidad libre na tira ok na u wag mmn po sana lahat pati bills etc pati ing nabuntis .. kaya namimihasa sila Kala sguro nila ok lng sa inyo .. kawawa dn yaya nyo if para sa knila kikilos din . Just saying

kausapin nyo po. sakin kasi di pwede ang ganyan. kinakausap ko tlga. at kung pwede magset ng rules sa bahay. kanya kanyang hugas. pag tamad wag kumain. kasi matatanda naman na pala yan. actually pwede na silang humiwalay.

Hindi po namin sila mapagsabihan kasi mas matanda sila samin parang mga kuya at ate na namin sila, baka kami pa masabihan walang respeto. Kaso parang kami pa umiintindi sa mga ugali Nila kung sino pa ung mas bata sa kanila.

4y trước

Tama momsh sila dapat makibagay. Pero mas maganda humiwalay na sila momsh, iba po tlga kapag may anak na kayo 😊😊😊.

kausapin nya na yan ng LIP mo.. mas maganda yun makausap nyo na sila na gumawa na ng paraan para umupa na sila ng sarili bago ka pa manganak.. wag nyo ibagay yun room na para sa baby nyo. wag kayo magpaabuso.

hay habang binabasa q ung kwento mo sis ako ung nanggagalaiti..naranasan q na yan super kabwicit tlga mga ganyang tao..napaka toxic kasama..pero aq di pwede sakin yan..palayasin q tlga tulad ng gnwa q...

ANG SARAP NILA PAGSASAMPALIN. ITO NAMAN INA, KUNSINTIDOR. KAUSAPIN NYO NANG MAGTIGIL KESEHODANG MAGALIT NANAY NYA, DI NA TAMA EH. HINDI KA PDENG MAGKIMKIM NG SAMA NG LOOB DAHIL MASAM UN S BUNTIS.

Thành viên VIP

Naku kung ako yan, tlgang mag aalsa balutan sila. Aba sinuswerte sila ah. Tatanda na nila prang walang silang pinagkatandaan. 😠😠🤬😡 Pinapainit nila ulo ko 🤣🤣

mahirap yan sis..better pag usapan niyo maigi mag asawa yan..d naman na bata yang nakikitira sa inyo para saluhin niyo pa..baka ika stress niyo pa ng baby mo yan

Isa lang talaga ang solution diyan, palayasin niyo na silang lahat. Tutal hindi naman sila marunong mahiya, so huwag na rin kayong mahiya. 😄

wag nyo ishare sa binili nyong pagkain at sabihin ng Lip mo na manganganak kana kelangan nyo ng pera kaya dapat mag share na sila sa mga bills ..🤣