Pa rant lang po, Nakikitira sa bahay namin mga pinsan ng lip ko. Mga parasite

Pa rant lang mga mamsh since stress na ko and Hindi ko alam Pano ilabas tong inis ko sa mga kamag anakan ng lip ko na Nakikitira samin na daig pa parasite, 9months pregnant na ko ngaun. Yung bahay na tinitirhan namin ngayon is sa lip ko at nakiusap ung mama Niya na patirahin muna ung mga pinsan niya (tatlong magkakapatid) dito samin, yung age nila mga nasa 30+ na so mga matatanda na at may mga trabaho naman. Okay lang Sana, Ang problema Nakikitira nanga lang sila akala mo mga boss amo kung umasta, mga Hindi marunong makisama. Kahit maghugas ng pinagkainan nila Hindi pa magawa, yung isang pirasong plato, kutsara at tinidor nalang Hindi pa mahugasan parang may katulong na sumusunod sa kanila. Tapos yung isa nag uwi ng gf dito Kasi buntis din daw dito muna daw makikitira (pansamantala?) Yung lip ko kahit ayaw Niya, Hindi Niya matanggihan yung pakiusap ng mama niya. Parang kami pa nag aadjust sa mga ugali nila. Kumuha ako ng Yaya Kasi malapit na ko manganak para may kasama kami ng lip ko na mag alaga sa baby ko,. itong mga pinsan ng lip ko akala siguro para sa kanila ung kinuha ko na Yaya. Sobrang kakapal ng mukha. Libre nanga sila lahat dito bills, pagkain pati sa budget namin kasama pa sila .. ang tatamad naman kumilos sa bahay. Mga Wala nanga ambag pati nagdala pa ng gf ung isa palamunin din kahit maghugas Hindi rin magawa. Kala mo mga senyorita. Sarap ingudngud sa lababo. San po kaya sila humuhugot ng kapal ng mukha? Sobrang bait ng lip ko Hindi Niya mapagsabihan yang mga kupal niyang pinsan kasi ayaw Niya magalit mama Niya, pero iniipon Niya lang din yung inis Niya at pagkabwisit niya sa kanila. Hindi ko na po alam gagawin ko. Mukhang Wala sila balak umalis dito dahil libre nga lahat. Parang Wala silang mga hiya🙄

40 Các câu trả lời

KUNG PUMAYAG SI LIP NA TUMIRA SILA DYAN DAPAT UMPISA PA LANG NAG SET NA KAYO NG RULES & REGULATION. INSIST TO THEM NA NAKIKITIRA LANG SILA AT KAYO NG HUBBY MO ANG KING & QUEEN SA BAHAY NA DAPAT NASUSUNOD. MAGSUSUFFER KAYO TALAGA DYAN PAG GANYAN MGA UGALI NG KASAMA NYO. NGAYON PA LANG PUTULIN NA MGA SUNGAY NA DAPAT NOON NYO PA GINAWA. ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TAONG GANYAN. ANYWAY, GODBLESS YOU MOMMY..

KUNG DI NGA BA NAMAN MAKAKAPAL ANG MUKHA. SI LIP MO ANG DAPAT KUMASTIGO SA MGA YAN. THERES NO OTHER WAY, PERO DAPAT NA SILA PALAYASIN. NAKU NAKU NANGGIGIGIL AKO HA. KALMADO PA KO NITO HA. 😆

grabeh po talaga kakapalan ng mukha Nila. Nagrerequest pa nga ung gf nung pinsan Niya na doon sila mag room sa kwarto na may aircon Kasi walang aircon ung room Nila , which is yung room na yun ipaparoom ko Sana sa anak ko at sa Yaya niya paglabas ng baby namin. Pati yung gf ng pinsan niya na buntis din, Walang hiya din.🙄 Grabeh Wala po ako masabi sa kakapalan nila. inagawan pa ng room ung anak ko.

kya po kayo inaabuso kasi tinotolerate nyo . Sabi nga you deserve what you tolerate 😊 kaya kung sa tingn nyo dinyo deserve wag nyo itolerate 👌

Mamimihasa yan sila talaga kasi tinotolerate niyo sila sis. Dapat si husband mo magsabi sa kanila. Kayo may ari nga bahay dapat di kayo ang mag adjust. Kahit ako na stress ako ma imagine situation niyo sa bahay niyo ngayon. Tsk. Ang angas nila umasta wala naman pala ambag dyan. Or dapat si husband mo magsabi sa Mama niya para Mama niya na magsabi sa mga makakapal ang mukha.

Kausapin mo n c lip mo n hindi pwdng ganyan lalo n malapit k n manganak.. You can also ask ur lip n kausapin dn ung nanay nya n kng pwd eh bumukod n dn cla.. Tutal my mga work nman cla, bkt p cla ppisan sainyo.. Pra mkalibre? Wala n kamo libre s mundo, lalo n dun s my gf n buntis.. They need to live on their own.. At pra hindi k n dn nsstress mommy..

VIP Member

Ay grabe sa kapal yan ah. 😠 kausapin mo asawa mo at piliting paalisin sila my. Sabihin mo hindi nakakabuti ang stress sa pinagbubuntis mo at lalo na pagkapanganak mo. Hindi pwedeng mahiya hiya sa mama nya si lip mo, ikaw nahihirapan hindi naman sila. Gusto ba nya na may mangyari sainyo ng baby mo sa sobrang stress mo sa mga pinsan nya? Tsk.

VIP Member

kausapin mo sila with your partner. .or kausapin ni LIP mo ang mama nya na dpat may set up kau. .if walang kakausap. .imbes na dodoble ang bills at palamunin. .ipambayad nyo na lng sa rent ..hanap kau bahay para may peace of mind ka lalo pat manganganak ka. .at kapag gnyang set up walang magtatagal na kasambahay dahil maraming amo.

VIP Member

srli nyong pamamahay yan. hnd man syo pero sa asawa mo nmn yn. so sa madaling sbe pwd ka kumuda dhil ikaw ang asawa ng my ari. atleast nsbe mo gusto mong sbhn at bawal ka mastress dhil buntis ka e sa knla plng naiistress kna kaya better prangkahin mo na atleast aware cla na hnd nla bahay yan matuto dn mahiya pag my time.

Kausapin mo dapat husband mo. Sabihin mo sakanya un nararamdaman mo and dapat magkaron kayo ng resolution. Siya dapat kumausap since siya un kamag-anak. Kung hindi sila aalis, dapat mag ambag sila financially. If not, then matuto dapat sila kumilos. Hindi dapat kayo un nag aadjust, bahay niyo yan.

kausapin mo na sila momsh pag di parib kumilos patigasan nalang kayo. wag ka maglinis. mamatay sila sa baho. wag mo rin ipagluto sakto lang sa inyong mag asawa iluto mo. tutal mga boss naman yang mga taydanang yan haha danas ko din yan kasi sa tito ko naman kapatid ng mama ko

grabeh nga sila mamsh nauuna pa silang kumain sa niluluto naming ulam. Tapos kapag Hindi nila gusto ung ulam like gulay, mag oorder nalang sila or magluluto ng sarili nila tapos yung pinaglutoan at pinagkainan nila tinatambak lang nila sa hugasan 🙄 Ang lala po talaga nila!

Bakit hindi nyo sila kausapin? Malapit ka nang manganak, mahirap magkimkim ng sama ng loob. Sabihan nyo sila na makisama sila kasi nakikitira lang naman sila sainyo. Kasi mamimihasa yan. Baka sakaling tamaan sila ng hiya pag kinall out nyo.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan