Pa rant lang po, Nakikitira sa bahay namin mga pinsan ng lip ko. Mga parasite

Pa rant lang mga mamsh since stress na ko and Hindi ko alam Pano ilabas tong inis ko sa mga kamag anakan ng lip ko na Nakikitira samin na daig pa parasite, 9months pregnant na ko ngaun. Yung bahay na tinitirhan namin ngayon is sa lip ko at nakiusap ung mama Niya na patirahin muna ung mga pinsan niya (tatlong magkakapatid) dito samin, yung age nila mga nasa 30+ na so mga matatanda na at may mga trabaho naman. Okay lang Sana, Ang problema Nakikitira nanga lang sila akala mo mga boss amo kung umasta, mga Hindi marunong makisama. Kahit maghugas ng pinagkainan nila Hindi pa magawa, yung isang pirasong plato, kutsara at tinidor nalang Hindi pa mahugasan parang may katulong na sumusunod sa kanila. Tapos yung isa nag uwi ng gf dito Kasi buntis din daw dito muna daw makikitira (pansamantala?) Yung lip ko kahit ayaw Niya, Hindi Niya matanggihan yung pakiusap ng mama niya. Parang kami pa nag aadjust sa mga ugali nila. Kumuha ako ng Yaya Kasi malapit na ko manganak para may kasama kami ng lip ko na mag alaga sa baby ko,. itong mga pinsan ng lip ko akala siguro para sa kanila ung kinuha ko na Yaya. Sobrang kakapal ng mukha. Libre nanga sila lahat dito bills, pagkain pati sa budget namin kasama pa sila .. ang tatamad naman kumilos sa bahay. Mga Wala nanga ambag pati nagdala pa ng gf ung isa palamunin din kahit maghugas Hindi rin magawa. Kala mo mga senyorita. Sarap ingudngud sa lababo. San po kaya sila humuhugot ng kapal ng mukha? Sobrang bait ng lip ko Hindi Niya mapagsabihan yang mga kupal niyang pinsan kasi ayaw Niya magalit mama Niya, pero iniipon Niya lang din yung inis Niya at pagkabwisit niya sa kanila. Hindi ko na po alam gagawin ko. Mukhang Wala sila balak umalis dito dahil libre nga lahat. Parang Wala silang mga hiya🙄

40 Các câu trả lời

ang kapal ng mukha nila sis ako ng tumira ako dito sa apartment ng hubby ko ksama nya pinsan nya at kapatid peru hati hati sila sa bayarin nung una parang feeling ko naartehan sakin ung pinsan nya at kapatid nya kasi may mga ulam nga ako na d kinakain ayaw ko talaga kahit anu sabihin nila bibili nlang ako sarili kung ulam wag lang ung atay ayaw ko talaga tapus unti unti ung pinsan nya at kapatid nya ang mismong naging mabait sakin kasi pag wala ko ko work nilalabhan ko damit nila lahat kaya wala na silang gagawin pag dating nila un lang d lang ako marunong magluto ng ulam kaya ung hubby ko at kapatid nya ang nagsasalitan magluto at syempre pagdating nila malinis ung bahay walang labahan walang hugasan at naka saing naku kaya sila na mismo gumawa ng way para magkasundo sundo kami at ang babait ng byenan ko at kamag anak nila sakin kahit saan kami mag bakasyon kumikilos talaga pag kaya ko nman ngaun wala na sila dito sa apartment kami nlang ni hubby ung andito may sarili narin kasi silang family kaya sis iparamdam mo sa kanila na naiirita ka sa ugali nila karapatan mo yun kasi bahay nyo yan. para mag karoon nman sila ng hiya may mga tao talagang ganyan.

parang gusto kayong pahirapan ng nanay ng lip mo mamsh . sya pa nakiusap na jan muna mga pinsan ng lip mo . okay lang naman sana kung pansamantala . e may mga trabaho naman pala bat di pa sila umalis jan sa inyo . tsaka sobra na nga yung pagpapatira sa kanila nag sama pa ng gf na buntis . at nakakainsulto po yang ginagawa nila na pag ayaw nila ng ulam is mag oorder o magluluto sila ng kanila . dapat kasi mamsh sakto lang iluto mo yung para sa inyo lang ng lip mo. kausapin mo na din lip mo na kausapin nya mga pinsan nya . kasi iba na po ang sitwasyon pag nanganak kana . or baka naiistress ka sa kanila . mahirap yan mamsh parang ang dami nyo agad obligasyon

VIP Member

Siguro open up ka kay hubby mo about sa situation nyo.. siguro naman irerespeto at bibigyan nya ng halaga ang opinyon at damdamin mo.. though, its filipino culture na makisama sa families ng hubby mo.. sa opinyon ko it's important that you build your home without another home in a home.. so you can both grow as husband and wife.. Okay lang sana if di sila dumadagdag sa iintindihin nyo kaso sa sitwasyon nyo parang hindi naman ata.. not healthy at all. Tsaka si Hubby should be a man enough na umayaw sa sitwasyon na alam nyang malaki ang epekto sa pagsasama nyo.. Yun po POV ko. Salamat at pasensya 😊

e bakit di kayo mag salita ako attitude ko nag sasalita pag may nakikitang mali ito ngang tinitirhan ko di ko pamamahay bahay ng nanay ng asawa ko pero ako nag lilinis kaya kapag yung kapatid nya salaula nag sasalita ako paki ko kung sa kanila to kung dudugyot dugyot sya di uubra sakin yan o ngayon lahat ng dumi nya mga hugasin nya ginagawa na nya kasi nag salita ako kahit sa maayos na paraan kung bastusin dun ko lang din babastusin pag sabihan nyo kasi at sana lumayas nalang sila imbis na nakakatuulong sila e hindi pala 😒😒😒

true sis ganyan ako kasi pag nakikitira ako marunong ako makisama kaya gusto ko kung makikitira dapat makisama karin.

kausapin nyo po sa mahinahong paraan, kasama ang LIP at biyanan mo po sis. Hindi kalabisan kung bawat nakatira sa bahay ay mag aambag sa gastos at gawaing bahay, total may kanya kanya namag trabaho.. liwanagin mo rin na ang kinuha mong yaya ay para sa inyo since kayo naman ngababayad.. unless nalang kung mag aambag din. kung mamasamain nila, mas mainam na lumipat sila.. pinatuloy nyo sila para makatulong, hindi para stress dapat na nila ipagpasalamat na may natutuluyan sila.. kailangan nyo po maging mahinahon...

kung ako ung nasa posisyon mo sis, babasagan ko sila ng pinagkainan nila sa harap nila tapos magsasabi ako ng "TANG ng buhay to oh sino kaya ang makakapal ang mukha na nagiiwan ng pinagkainan dito mga walang silbi!" 😂 ewan ko na lang kung hindi magulat ang mga yan. pero kidding aside, dapat ang LIP mo ang mag sabi dyan sa mga pinsan nya. at yung future byenan mo naman wala na rin sa hulog. bakit kinukunsinte. kayo rin mahihirapan pag lahat yan nag dala ng kani kanilang aasawahin.

naku momshh.hindi pepwede yn sakin,anu cla suportado ng Estados Unidos.?! haleerr.!? kung my work cla dapat nman umambag s mga gastos or khit sa food mnlng. tska nakitira kna nga lang matik na dapat kumilos ka din. sobraa sa kakapalan ng fezlak yng mga yn ahh..kung ako sa lip mo kausapin nya mama nya, xe hindi tama yng inaasta nla. ang ta2nda na pero wlang pinagkatandaan..kainit ng ulo momsh yng mga gnyang kamag anak ahh..haysss😤🙄

Kausapin mo na asawa mo momsh. Bka mas mastress kpa kapag lumabas na baby ninyo. Kung wala nman naitutulong sa bahay lalo at sa asawa m nman pla yang bahay, mas mabuti paalisin nyo nlang. Grabe naguwi p ng binuntis na babae yang isang pinsan nya. Kung aq yan pinalayas ko na, kung ayaw umalis ipapulis ninyo o barangay magpaalis sa kanila. Sineswerte nman cla masyado. Mga parasite nga tlga. Walang hiya p man din.

Easy kalang momshie masama mastress ang buntis. Isipin mo nalang muna may mga evacuees kayo dyan 😂 kidding aside. Dapat mag usap usap kayo sis one time, or yung mga pinagkainan nila hayaan mong nakatiwangwang ng malaman nilang walang gagawa ng kalat nila kundi sila nakikitira nalang dapat makisama sila at alagaan naman yung bahay. God bless you and your LIP, sis! Napakabuti nyong tao at nakakapagtimpi pa kayo.

kausapin mo po asawa mo kasi pinsan nya yun at sabihin mo sa kanya na nastress kna at masama yun sa baby kung pwdi lakasan nya loob nya tanungin nya pinsan na kaylan sila magbubukod ng bahay or mag ambag ambag sila sa kuryenti at tubig,bigas sa hugasin naman kung maari pag walang ginagawa maghugas din. pero mas mabuting magbukod na sila lalo na pag lumabas si baby sabihin mo bka maingayan pag umiyak si baby.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan