in laws problem

Pa rant lang ako mga mi, napupuno na kasi ako sa mil ko. Una kong kinainisan sa kanya nung bagong panganak ako ay ipahiya sa labas ng bahay nila dahil nakita nyang naligo na ko after 3 days of giving birth at naka short lang ako at sando grabe ang mga sinabi kesyo nag hahanap ako ng kamatayan ko, pina lampas ko lang yun kasi tahimik lang din talaga ko at may respeto sa kanya kahit papaano. Itong pangalawang kinainisan ko naman na sya pa ang nag tampo ay nung pinakeelaman nyang paliguan ang lo ko syempre di ko rin alam bakit sobrang inis na inis ako wala pang 2 weeks nun simula nung nanganak ako, yung ligo kasi na ginawa di manlang nalinis kasingit singitan ng anak ko wala manlang ako nagawa sa harap nya kasi baka kung ano masabi, pinagalitan pa ko dahil maga raw pusod ng anak ko, nung tinanong ko naman ob ko ang sabi di naman namamaga. Ang ginawa ko nagsabi ako sa partner ko, pero nung nag sumbong ako sa partner ko kinompronta nya pala agad mama nya ayun bandang huli ang nasabi akala purong puti raw ako may ibang kulay pa pala. Sa buong pag sasama namin ngayon lang ako nag inaso dahil para sa anak ko yun pero ganon pa ang nasabi, kung pwede lang ipag damot sa kanila yung bata. Ngayon di nya ko pinapansin pero ganon din ako sa kanya. Wala pa rin kasi akong balak pansinin sya hanggat di nya pangunahan dahil ayokong ako pa mag please sa pamamahiya niya

10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

same tayo mii, hirap lang di lang inlaws ko nakekeelam, jusme, samantalang di man lang ako masalitan sa pagbabantay para makapag hugas ako ng bote at makaligo, ako nakakaligo na ako ng hapon na kasi no choice ako di man ako inalalayan (CS pa ako), pero pagnagsalita sila kala mo sila lahat kumikilos para sakin, nakaksakit lng ng loob kahit papano , kakapanganak palang pero stress inabot 🤦🤦

Đọc thêm
Thành viên VIP

Your lucky Mii may MIL ka , for me concern lang siya sayo at sa baby mo . Gusto lang niya makakabuti para sa inyo . Mali lang siguro ung way niya dahil nga pinapahiya ka peo some point Concern lang siya .. Kung ayaw mo Ng pinakikialaman ka Ng MIL mo mii better nga na bumukod kayo ..Hoping maging ok na kayo mii Ng MIL mo. 😊

Đọc thêm
1mo trước

thank u, sobrang naging sensitive rin lang din ako since ftm, btw nakabukod naman po kami yun lang iilang bahay ang pagitan hahaha

momshie dpo kayu nakabukod?ganyan talaga. mangyayari kapag mag kasama kayu sa bahay,lahat ng galaw mo pupunain.tama din naman yung sinaway ka na wag ka muna sana naligo,d lang Tama yung ipapahiya ka

1mo trước

nakabukod po mi yun nga lang ilang bahay lang pagitan namin

Kaming nakabukod pero ilang hakbang lang layo sa bahay ng in-laws ko. Valid yang nararamdaman mo, nakakainis talaga pag mahilig makialam, ganyan din sa akin kahit mabait naman sya.

1mo trước

same po. ilang bahay lang pagitan. even yung mga kapatid ng mil ko eh may mga comment lagi. sinabi ko yun sa hubby ko. and pinagsabihan niya yung mil ko na wag akong papakialaman kasi hindi ako matututo kung lagi silang nakikialam. after that, hindi na sila nakikialam. pa comment comment lang minsan. pasok sa isang tenga, labas sa kabila. ganun na lang ginagawa ko

swerte ka mi may concern Sayo alam mo naman pag mga matatanda may pamahiin bawal mag short at mag sleeveless kc daw baka mabinat pasukin ng lamig,wag mo nlang putulan

same mi, ganyan na ganyan MIL ko. after 1 month pagka anak ko, bumukod talaga kami. nagtatanong pa kung bakit, hindi naman daw kami pinapaalis. nakuuuu hahahaha

base sa kwento mo mi concern lang sayo Yung mil mo , kung ayaw nyo po Ng napapakailaman ih mas better pong bumukod dun po Ikaw Ang masusunod 😊

buti nalang mi kami nakabukod na ngayun ...mas maganda talaga naka bukod kayo lalo na may ganyan kang MIL☺️

Thành viên VIP

Mas okay na nakabukod talaga mi kasi yan di maiiwasan talaga makialam sa buhay nyo ang mga byenan

sana dumating ang time na makabukod kayo 🙂 kaka stress talaga yan. kaya mo yan mie.