Pahinante

Pa rant lang ako ha. ? Naiiyak ako. Ang trabaho ng partner ko pahinante sa water station. Hindi naman sa minamaliit ko ang ganong trabaho. Kaya lang sabay sabay naubos ang pangangailangan ni baby. Gatas, diaper, sabon panligo. at tubig. Cetaphil gamit ko kay baby kasi yung mga murang sabon nagkaka rashes sya. Okey lang naman kasi yung cetaphil one month naman nia gamit. Yung gatas nagawan ko na ng paraan. Humingi ako sa parents ko kahit ang daming salita tiniis ko para sa anak ko. Ngayon wala naman diaper. Hindi ako nakapaglaba ng lampin kasi wala akong pambiling sabon. ?? Paubos na din ang tubig. Naawa ako sa anak ko. Hindi pa ko makaapply ng trabaho kasi walang mgaalaga sa anak ko. Ayaw alagaan ng nanay ko. ?? Yung asawa ko ayaw humanap ng matinong trabaho na medyo malaki ang sahod. May tinapos naman sya. Lagi nya katwiran nakakaipon naman kami. Ang punto ko naman paano kapag sabay sabay naubos? Pano na anak ko. Sobrang naiiyak ako sa awa sa anak ko at sa sarili ko. ????

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Owww. Di naman sapat ung ganyang pangangatwiran nya na nakakaipon naman. May anak na kayo dapat alam nya un. Mahirap yan mommy di mo kasi mapipilit ang isang tao kung ayaw talaga nya maghanap pa ng ibang mas malaking kita Siguro kasi mas hawak nya oras nya pag pahinante sya unlike kung may ttrabaho sya sa ibang kompanya. Hayssss tiis nalamg talaga mommy

Đọc thêm