Hi mommy,ilang yrs na ba kayo ng partner mo bago kayo nagkababy..?
Mahirap po kasi talagang makisama lalo at maiksi lang yung panahon na nagkakilala kayo. Tapos foreigner pa,bukod sa magkaiba ang culture at paniniwala natin e may language barrier pa.
My husband is Korean. Almost 2yrs din bago kami nagkaanak. Dumaan din kami sa ganyan dahil ayaw naming tanggapin ang differences ng isa’t isa nung una.
I suggest,usap kayo ng masinsinan. For sure somehow alam mo naman na ugali nya. Subukan nyong mas intindihin pa ang isa’t isa.
Ang husband ko is logical na tao at ako naman is emotional. Karamihan sa foreigners talaga,mas utak pinapagana kesa puso. So kadalasan,kung anong naiisip nila,sasabihin o gagawin nila kahit masakit sa atin. Kumbaga mas direct to the point kasi sila not like tayong mga pinoy,sensitive tayo. Minsan akala natin sinasadya nila tayong masaktan sa words or actions nila but for them,normal na way ng pakikipag usap lang pala yun. It took time bago ako nasanay sa way nya at naintindihan ang side nya.
Baka right now ganyan lang din nangyayari sa inyo. Baka yung actions nya is just normal for him,hindi pagdadabog or hindi nagagalit. Or kung talagang nagagalit sya on how you take care of yhe baby,better educate him than argue with him. You can just simply say na dependent ang baby sa mother and you’re acting base on your instincts as a mother. Baka di lang kayo nagkaintindihan. I don’t know. Only you can tell.
Anyhow,ikaw or kayo lang din makakasolve nyang misunderstandings nyo since kayo ang mas nakakakilala sa isa’t isa. As long as hindi ka nya sinasaktan,give him and your relationship a chance para sa anak nyo.
Sheena Combate