Low supply of breastmilk
Pa help naman po nag tatake na ako ng mega-malunggay capsule 2 times a day, M2 okra malunggay drink, then Mother nurture malunggay choco. Still not enough milk ko subrang kunti 😔 Ano po magandang gawin pa boost ng milk supply. Gustong gusto ko kasi sana mapa breastfeed c baby ko kasu wala halos wala na tumutulo sakin 😭😭#1stimemom #firstbaby #advicepls
Kahit gano kadaming iniinom na supplements o pampaboost kung hindi mo po pinapadede kay bebe kesyo konti o madami ang madede wala din po yung effect. Best way po ay ang pagdede ng baby kasi walang ibang pwedeng bumawas nan kundi sya lang. minsan nabubuo yung milk kasi hindi pinapadede dahil akala natin minsan ay wala ng gatas na nalabas. Kailangang mailabas ang milk natin sa breast para makapagproduce pa ng mas madaming milk ni baby. Napakaamazing ng katawan natin, ang dede ay umaayon sa pangangailangan ng baby which is gaholen o gacalamansi lang na dami ng gatas. Kaya dont worry kung ganyan lang kadami basta regular na nakakadede si baby once na nagformula ka na maagaw na nun yung atensyon ni baby mo. Pag pinadede mo ng formula ang tendency mabubusog at makakatulog na sya ng mahabang oras na sya namang magiging rason para tumigil gumawa ng gatas ang dede natin dahil hindi naman nababawasan o natritrigger ni baby ang breast natin. Magiging maunti ang mailalabas na gatas hanggang unti unting mawala dahil nagfocus na sa formula. Kaya yun po more on padede lang kahit feeling mo walang nalabas pa padede lang momsh. Pwede mo ding ihot compress o massage ang breast baka kasi may buo buo kang milk na di makalabas pa. Goodluck!😊
Đọc thêmif early 6weeks po , dipa tlaga ganun kadami ang ilalabas na milk naten kase may sariling demand ang gatas naten depende sa kailangan ni baby , basta po masunod nyo yung every 2hrs na pagpapadede at kapag umiihi o dumudumi si baby ibig sbihin nun sapat yung milk na nakukuha nya sayo .. advice lang po wag magpapump ng early 6weeks kase dyan nagkakaron ng mastitis or pwedeng maover supply ka ng milk wag ka po mag alala mommy di naman nagugutuman yan si baby basta unli latch lang ☺️ happy breastfeeding ❤️
Đọc thêmwag mong i-base sa output mo sa breast pump ang dami ng bm mo..may mga breast pump kasi na hiyangan ang output...mas nakaka-boost ng supply ang direct latch sayo ni baby and as long as may output sya he/she's getting enough..maliit lang ang bituka ng new born and ang bm madali din matunaw kaya maya't-maya umiiyak at gutom sila..padede lang po ng padede..and wag po muna sana gumamit ng breast pump kung wala pang 6 weeks si baby..mag-hand express na lang po muna kayo search it on yt. thank you
Đọc thêmpahilot po kyo mommy...kc ako po nung 1st week wla po tlgang nalabas n gatas sa kin nakailnang inom n ko ng malunggay capsule lage din ako nahigop ng sabaw n may malunggay pero wla pa din..nag pahilot po ako ng breast ko tska ng likod pinahilot po sa kin langis na may malunggay,ayun po kinabukasan may nalabas n sa kin gatas,ngyon po 1month na mahigit baby ko super dame ko na gatas nalulunod n nga c baby kapag na dede sha eh...
Đọc thêmUnlilatch lang mommy. Mas madami sya nadedede kesa sa pump. 16 months na si baby ko exclusive and pure breastfeed lang talaga sya. Yung kahit lupaypay na dede mo akala mo wala ng gatas pero pag nga latch na si baby nararamdaman ko na parang nag tatight na yung dede ko. Triny ko din magpump, pero gabutil lang napapump. Unlilatch lang talaga.
Đọc thêmganyan din ako first week ni baby sabi nila normal lng yan..unli latch pa kasi dapat pa first 2weeks den niresitahan ako ng OB ko ng NATALAC 3x a day ko iniinom ngayon dumami na ang gatas ko 18days na si lo..wag mawalan ng pag asa momsh kaya natin yan..positive lang lagi na merom at dadami ...hot compressed mo din lagi ang dede mo .
Đọc thêmKung mixed feed. mas dalasan mo Po mag palatch sayo Ska mo dahan dahan n bawasan Ang formula pag ramdam mo n satisfied si baby sa milk mo at nasa normal Ang dami Ng ihi Ng baby mo... pag umabot n Ng 6weeks bka mahirapan k dahil my tinatawag n stable milk supply. depende n sa demand Ng baby Yung milk n ipoproduce Ng boobs mo..
Đọc thêmilang weeks napo si baby? usually yang gnyan ka konting milk sa 1st week pgkpnganak nyo po. gnyan dn kse skin nung una,nkakalungkot. pero after a week lmkas na po sya,nkaka pump ako 2oz kada breast plus nkakadede pa po si baby skin,kaya may stock ako ng milk. 2x dn ako umiinom mlunggau cpsule ska milo po.
Đọc thêmDirect latch mo na lang po si baby mommy. As long as laging puno ng ihi ang diaper ni baby at nakakapupu siya everyday ibig sabihin nakakadede po siya ng maayos. Hindi naman po kasi pare pareho ang pinoproduce na milk ng ating mga boobies. Basta satisfied po si baby lagi
Mas effective po ang unli latch kesa pumping. Lalo na kung pump mo e mahina ang suction or hindi swak sa breast mo. Kung bagong panganak po kayo dont expect to much. Talagang konti2x lang sa first 2 weeks. Hindi pa naman po ganon kadami maiinom ng baby nyo.