Pa advise naman po mga momshies. Currently employed kasi ako ngayon. EDD ko sa November 2020. Balak ko sana umuwi sa province para doon manganak. Balak ko na din mag resign sa work kasi baka di na ako makabalik due to pandemic concerns. Kaso inaalala ko yung SSS maternity benefit ko. Iniisip ko kasi nakakahiya sa employer ko kung mag reresign ako pagtapos makuha yung benefits. Hassle din kasi mag asikaso ng mga requirements ngayon. Pa advise naman po ako if need ko ba na mag resign na this month or mag file nalang ako ng maternity leave tapos mag resign after?