9 Các câu trả lời
Sabihan mo po cla in a nice way, ako kahit family members namin bawal humalik kay baby sa mukha pati sa kamay kc cnusubo nya. Mga pinsan nyang bata din, nag-aalcohol muna bago makipaglaro sa kanya. Bawal din masyadong malapit makipag-usap sa kanya. Sinabi ko lang na baby pa sya, mahina pa immune system nya kaya dapat mag-iingat kaming lahat kc kawawa sya kung magkakasakit sya. Naintindihan nman nila, cla na mismo nagreremind sa isa't-isa kung ano ung bawal. Minsan nga pati ako nasisita ng pamangkin ko eh, bawal ko daw sya i-kiss. Pinakita ko kc mga images ng baby na nagkasakit dahil sa kiss, "kiss of death" yan kako. Ayun, bantay sarado sya ng 2 kuya/pinsan nya. Pati pagpalit ng diaper lagi akong cnasabihan ng pamangkin ko na i-check ko daw bka basa na. 😀 Tuwing umaga, pagkagising plang nila diretso agad sa kwarto namin pra i-check c baby girl ko. Ang sweet ng mga kuya nya. Kasama kc namin cla sa bahay. Madalas kahit nsa banyo ako, nirereport ng pamangkin ko kung anong gngagawa ni baby. Pati pag-utot nya ng malakas cnasabi saken. Nakakatuwa lang na love nila c baby na parang kapatid nila. 🥰
No-no sa kiss! Ang daming pwedeng makuha na sakit ni baby. May covid pa. Mahina pa immune system ng nila. Sa area na may damit lang pwede magkiss. Ang gawin mo hanap ka video ng mga nahawa ng sakit dahil sa kakakiss, ipanood mo sa husband mo para matakot sya. Sya na mismo magsabi sa family nya. Sa wipes, ok lang basta unscented and for sensitive skin. Pwede din Mustela Cleansing water sa cotton balls, yun gamit namin dahil sensitive skin ni baby.
palagi ko po sinasabihan yung partner ko na wag pahalikan kasi baka makakuha ng sakit lagi lng um-oo peru di talaga sya nag iingat sa baby namin. sinasabihan pako na masyado na daw akong oa sa anak ko.
ingat mii s pagpapakiss kay baby sa iba prone ang baby sa FHMD ( Hand, Foot, and Mouth Disease) medyo matagal gumaling... make sure na unscented po, magada yung wipes ng tiny buds if d talaga maiwasan
maraming salamat mi
Ingat ka sa nagkikiss plagi Mi, mas maganda iwasan as possible. Madami na nagkakasakit dahil nyan, low pa kasi immune system ng baby kaya prone sila makakuha ng rashes or sakit dahil nyan.
Possibleng dadami pa yan mi if di mastop ang source ng pgkati 🥲.
depende sa baby mamsh. Kasi may ibang baby talaga na hindi hiyang lalo pa't sensitive pa skin ng mgq baby
depende sis sa baby mo kung d naaman maselan balat nia at hiyang xa sa wipes na ginagamit mo ,,,,
yes mommy, tiny buds gentle baby wipes gamitin mo. safe yan kasi all natural at makapal🥳
salamat mommy
Wag mo pahalikan baka sobra magdry din mukha dahil sa wipes
Hon