Mommy Debates
Okay lang ba kumuha ng pera sa wallet ng asawa mo kahit hindi nagsasabi?
yung sahod ni asawa ndi ko tlga kinukuha,,,jan lang sa wallet nya na naiiwan sa bhay iba yung wallet na dinadala nya,iba kc pera ko sa pera nya 😅...,,kpag need ko ng pera at nsa work xa.,chat ko nlang xa na kumuha ako ng pera sa wallet nya iba parin na alam nya para walang hanapan kpag naubos hehe
yung husband ko naman po okay lang sa kanya na kumuha ako kahit hindi mag paalam, nagagalit pa siya pag nag papaalam ako sa kanya,sabi niya ang pera niya eh pera naming dalawa, pero nag sasabi pa rin ako sa kanya, madalas naman binibigyan niya ako pera kahit di ako humingi o kumuha 😊😊😊
Partner ko tuwing sahod lahat binibigay sakin, tapos kapag wala na laman wallet niya saka siya nanghihingi. 😊 Pero nung di pa ako buntis lahat ng sahod niya kanya tas sahod ko akin. Yun parehas kami may pambili ng luho 🤣 Ngayon wala na kelangan magtipid at magipon para na kay baby lahat.
In our case, pareho kami nag-eearn, wala kami vices, hindi kami gumagastos sa hindi kailangan kaya inaallow nya ako kumuha dahil alam naman din nya na hindi ako kukuha kung hindi importante yun gagastusan ko. At inallow ko din sya kumuha din sakin in case mashort sya sa allowance nya sa trabaho.
. .para sakin, Hindi po. .maliit man o malaki ang kunin mo ,Hindi pa din tama na kumuha ka ng walang paalam. .parang ini-invade mo ang privacy ng iyong asawa. .mas maganda pa din na mag sabi kaysa sa hindi. .minsan kasi yan ang pinagmumulan ng away magasawa. .
Bakit ka kukupit kung pwede namang magsabi muna. Although di pa talaga nangyari samin to coz ofw sya. But the thought na may ginagawa kang palihim is just so fishy 😂 soo no-no. Kung barya/coins ang usapan eh, maraming nagkalat sa bahay gawa ng mga older kiddos ko so walang issue, haha
no po.. for me kasi mas magandang magsabi as respect nalang din pero it doesnt mean naman na pag pinakealaman mo eii wala ka ng respect eii mag asawa naman kayo.. pero syempre mas maganda parin na nag paalam.. kasi kahit sya di naman nya pinapakealaman wallet ko ng di sya nagsasabi..
nope Po. Hindi nman madamot Ang asawa ko. Kaya I think much better na magpaalam nlng kesa kumuha Ng Hindi Nia alam. may kakilala akong pren. kumukuha cia Ng pera sa wallet Ng asawa Nia ng Hindi Nia pinapaalam KC daw madamot Ang asawa Nia at magagalit sa kanya kapag sinabi Nia.😁
ako, di ko pa nasanayan na kumuha nalang basta ng hindi nagpapaalam, kahit ano lang talaga di kami nagkakaroon ng pakielaman ng wallet😂🤣 kanya kanyang dukot kami, basta may pera siya ganon pag need konng barya at meron siya dun labg ako kukuha minsan hihinginoa talaga .
Para skin NO . Kahit mag asawa na kayo an doon parin yong privacy,pano kong yong pera kinuha mo naka budget na pala yon dba . Kahit nong umuwi asawa ko galing japan nakikita ko yobg pera nya piro di ako kumukuha ng walang paalam😊 bat kanmn kukuha kong binibigyan ka nmn .😉